Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/15

Tagalog News: BSP ginawang liberal ang coop banks sa bansa

by BD Enestois

Manila (15 February) -- Sa regulasyong ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)sa pagpapatupad ng Philippine Cooperative Code of 2008 o Republic Act 9520, itinakda ng BSP ang minimum na capital outlay ng isang cooperative bank sa sampung milyong piso.

Binago na rin sa nasabing batas ang pobisyon na isang sangay sa bawat probinsiya lang ang maaring itayo ng isang cooperative bank.

Inihayag ni BSP Deputy Governor Nestor Espenilla, Jr. na pinahihintulutan na ng Bangko Sentral ang mga cooperative banks na magtatag ng mga sangay o extension offices o ibang banking offices depende sa kanilang nalikom na capital.

Paliwanag ni Espenilla, ang mga kooperatibang merong sampung milyong pisong kapital ay maaring magtayo ng ilang mga sangay at extension offices sa loob ng probinsiya kung saan nakabase ang kanilang main office. Samantala, ang mga coop banks naman na mayroong limampung milyong pisong paid-up capital ay pwedeng magtatag ng mga sangay sa island groups kung saan matatagpuan ang kanilang head office. Nangangahulugang ang isang coop bank sa South Cotabato na may paid-up capital na P50 milyon ay maaring magtayo ng sangay saan man sa Mindanao.

Ang mga coop banks na may paid-up capital na isang daang milyong piso ay maaaring magtatag ng kanilang branches kahit saan sa bansa basta’t aprubado ng BSP.

Ani Espenilla, titiyakin ng nasabing probisyon na walang lugar sa bansa ang kakapusin hinggil sa serbisyong pampinansyal. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC-7 announces search for 2010 outstanding public officials and employees
»DOLE 6 releases P18-M for livelihood projects in 2009
»NCIP awards 40,000 ancestral domain titles to IPs in Cagayan Valley
»Power firm donates 11 computers, printers to Ifugao town
»Army recovers high powered firearms after Eastern Samar encounter
»Cebuano News: Central Visayas nangandam pagbontog sa El Niño
»Cebuano News: Palasyo wala magduso paggamit sa mga contraceptives
»Cebuano News: RP Embassy sa Poland mipasabot sa mga reklamo sa mga OFWs didto
»Waray-Waray News: PGMA mabalik ha Mindanao para hin Agribusiness Legacy Tour
»Hiligaynon News: Gobyerno ginpasangkad ang kampanya batok sa HIV-AIDS
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines