Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/16

Tagalog News: Patuloy na English proficiency training para sa mga guro, ipinag-utos ni PGMA

Manila (16 February) -- Ipinag-utos ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng patuloy na training para sa mga guro upang lalo pang mapataas ang English proficiency ng mga pampublikong guro.

Binigyang diin ng Pangulong Arroyo na nais niyang magtuluy-tuloy ang programa upang masegurong magiging epektibo ang pagtuturo ng mga guro sa mga kabataan lalo na ng English communication skills.

Ayon pa rin sa Pangulo, mayroon na itong inilaang pondo na umaabot sa P2.5 bilyon para sa pagpapabuti ng skills ng mga guro at ng kanilang English proficiency.

Sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Arroyo, tumaas mula sa P90 bilyon hanggang P180 bilyon ang inilaang pondong suporta para sa edukasyon.

Mahigit isang-daang libong (100,000) silid-aralan din ang naipatayo sa buong bansa sa mahigit isang-libong malalayong barangay na walang eskuwelahan. Ito umano ay para suportahan ang Millenium Development Goal na makapagbigay ng universal primary education sa taong 2015.

Sa loob ng siyam na taon, inilahad din ng Pangulo na mahigit anim-na-pung-libong (60,000) teaching jobs ang binuksan at ipinag-utos din nito ang pagtaas ng sahod ng mga pampublikong guro. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: The perks of a 4Ps parent leader
»PGMA back in Davao for agribiz tour
»Keep politics off schools - DepEd
»February 22 declared special holiday in all schools
»PGMA sets dinner with media, begins with Agribusiness Mindanao tour
»2009 Filipino weightlifting winners call on PGMA
»PGMA's Super Regions tour shifts to Mindanao
»GMA cites 3 Filipinos, 2 Japanese
»PGMA to inaugurate Surigao Norte port
»PGMA tells DepEd to continue English proficiency program
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines