Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/16

Tagalog News: Sultan Kudarat, susunod na academic at research hub ng Central Mindanao

Koronadal City (16 February) -- Isinusulong ng mga opisyales ng lalawigan ang pagiging academic at research hub ng Sultan Kudarat kasunod ng conversion ng nag-iisang government-owned college sa lalawigan na maging isang state university.

Ayon kay governor Suharto "Teng" Mangudadatu ang paglagda umano ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Republic Act (RA) 9966 ay isang magandang oportunidad para sa mga Sultan Kudaratenos na makakuha ng mataas na kalidad at abot-kayang edukasyon.

Ang RA 9966 ay nagbigay-daan sa pag-elevate ng limang campus ng Sultan Kudarat Polytechnic State College (SKPSC) para sa isang "full university status" at papangalanang Sultan Kudarat State University (SKSU).

Ang pagiging unibersidad ng SKPSC ay batay sa House Bill 6311 na ipinaukala ni Sultan Kudarat 1st District Representative Datu Pax Mangudadatu at ng counterpart measure sa Senado na nai-sponsor ni Senator Panfilo Lacson.

Nakasaad sa RA 9966 na ang limang campus ng SKPSC sa mga bayan ng Isulan, Lutayan, Kalamansig at Palimbang at Lungsod ng Tacurong ay mayroong mandato na mangangalaga sa pagbibigay ng advanced instruction at professional training sa Agham at Teknolohiya, Agrikultura, Fisheries, Edukasyon at iba pang relevant field of studies.

Bilang isa ng state university, magbubukas din ang SKSU ng mga scholarship programs upang makatulong sa mga mahihirap at deserving na mga estudyante mula sa rehiyon. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: The perks of a 4Ps parent leader
»PGMA back in Davao for agribiz tour
»Keep politics off schools - DepEd
»February 22 declared special holiday in all schools
»PGMA sets dinner with media, begins with Agribusiness Mindanao tour
»2009 Filipino weightlifting winners call on PGMA
»PGMA's Super Regions tour shifts to Mindanao
»GMA cites 3 Filipinos, 2 Japanese
»PGMA to inaugurate Surigao Norte port
»PGMA tells DepEd to continue English proficiency program
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines