Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/16

Tagalog News: Pag-imprinta ng balota ng ARMM tapos na - Comelec

Koronadal City (16 February) -- Tapos na ang pag-imprinta ng mahigit 1.8 milyong mga balota para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ayon sa ulat ni Commission on Elections (COMELEC) commissioner Gregorio Larrazabal.

Ayon kay Larrazabal ang mga balota na sinimulang inimprinta noong ika-8 ng Pebrero at natapos kahapon ay mananatiling naka-secure sa National Printing Office (NPO), hanggang sa araw ng pagsisimula ng shipment nito na naitakda sa buwan ng Marso o Abril. Ito ay kasalukuyan ng naka-empake sa NPO ayon kay Larrazabal.

Ang ARMM ay mayroong 1.882 milyong registered voters, maliban pa sa mga bagong registrants sa tatlong araw na extension noong Disyembre 2009.

Ipinaliwanag din ni Larrazabal na pagkatapos ng pag-imprinta ng mga balota para sa ARMM ang mga NPO printing machines ay pagpapahingahin ng labindalawang (12) oras at sasailalim sa recalibration matapos ang pagprinta ng pinakahuling balota ng ARMM.

Ang mga balota ng ARMM ay mas mahaba ng dalawang pulgada kaysa sa mga balota na gagamitin sa buong bansa dahil mayroon itong Arabic translation.

Mahigit apat-na-pu't-siyam na milyong balota para sa mga botante sa iba pang rehiyon sa buong bansa ang nakatakdang i-imprinta ng Comelec. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: The perks of a 4Ps parent leader
»PGMA back in Davao for agribiz tour
»Keep politics off schools - DepEd
»February 22 declared special holiday in all schools
»PGMA sets dinner with media, begins with Agribusiness Mindanao tour
»2009 Filipino weightlifting winners call on PGMA
»PGMA's Super Regions tour shifts to Mindanao
»GMA cites 3 Filipinos, 2 Japanese
»PGMA to inaugurate Surigao Norte port
»PGMA tells DepEd to continue English proficiency program
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines