Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/16

Tagalog News: Cotabato Provincial Hospital tatanggap ng dagdag na pondo at pasilidad

Koronadal City (16 February) -- Pinabuting serbisyong medikal at hospital assistance at rehabilitasyon ng Cotabato Provincial Hospital (CPH) ang paggagamitan ng dagdag na pondong nagmula sa Department of Health (DOH) at Congressional District.

Ayon kay Cotabato 2nd District representative Bernardo Piņol, sa mahigit P72 million pondong nakalap nito para sa improvement ng Cotabato Provincial Hospital, P54 million ang inilaan para sa construction ng dagdag na hospital rooms habang ang P18 million ay gagamitin sa pagbili ng mga sophisticated hospital equipments kasama ang platelet separator.

Sa kanyang lingguhang programa sa radio, inihayag ni Piņol na mayroon ding nakalaang P15 milyon mula sa budget ng DOH para sa improvement ng Mlang District Hospital sa bayan ng Mlang. Itong dalawang magandang balita ayon kay Piņol ay makakatulong upang lalo pang mapabuti ang serbisyong pang-medikal sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Cotabato.

Matatandaang nauna ng ipinanukala ni Piņol ang conversion ng CPH para maging regional hospital, subalit ipinaliwanag ni South Cotabato 2nd district representative Arthur Pingoy, chairman ng House Committee on Health na ito ay hindi pa possible dahil hindi pa opisyal ang pagdeklara sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) bilang regional hospital.

Dagdag pa rito, ayon kay Pingoy, isang regional hospital lamang umano ang pinapayagan ng DOH sa bawat rehiyon. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Feature: The perks of a 4Ps parent leader
»PGMA back in Davao for agribiz tour
»Keep politics off schools - DepEd
»February 22 declared special holiday in all schools
»PGMA sets dinner with media, begins with Agribusiness Mindanao tour
»2009 Filipino weightlifting winners call on PGMA
»PGMA's Super Regions tour shifts to Mindanao
»GMA cites 3 Filipinos, 2 Japanese
»PGMA to inaugurate Surigao Norte port
»PGMA tells DepEd to continue English proficiency program
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines