Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/17

Tagalog News: Peace covenant signing, isinagawa

by PFC Evangelista

Victoria, Oriental Mindoro (17 February) -- Isinagawa ng 203rd Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Carlos F Quita INF (GSC) PA ang Peace Covenant Signing na ginanap sa Good Shepherd Parish noong Pebrero 15 ganap na ika-9:00 ng umaga sa bayang ito. Layunin ng nasabing peace covenant signing na magkaroon ng malinis, maayos at mapayapang eleksyon sa darating na Mayo.

Dinaluhan ng humigit kumulang animnapung (60) lokal na kandidato kasama na rin ang mga Punong Barangay, opisyal at Comelec?victoria, miyembro ng simbahan, kasundaluhan at kapulisan. Kabilang sa mga pumirma ng Peace Covenant ay ang dalawang kandidato ng pagiging Mayor, dalawang kandidato sa pagka Vice-Mayor at mga kandidato para sa Sangguniang Bayan ng nasabing bayan.

to ay sinaksihan nina Father Jim Ruga bilang representante ni Bishop Warlito Cajandig; Father Norman Cusi, Parish Priest ng Good Shepherd Parish ng Victoria; Mrs. Pauleen Gaud, Comelec Officer ng Victoria; Col. Quita; LTC Jose Randolf M Sino Cruz, Battalion Commander ng 4th Infantry Battalion; at Psinsp Cuenca, Chief of Police ng Victoria.

Nabuo ang Peace Covenant Signing sa pangunguna ng Peoples Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng simbahang Katoliko na pinangungunahan ni Bishop Cajandig.

Samantala, nagkaroon din ng talakayan na kung saan ang iba?t-ibang kandidato ay nagtanong sa magiging papel na gagampanan ng mga kasundaluhan at kapulisan sa panahon ng "Campaign Period" at sa oras ng eleksiyon.

Kaugnay sa mga katanungan ng mga kandidato, ipinaliwag ni Col. Quita na ang partisipasyon ng mga kasundaluhan sa darating na halalan ay ang pagsasagawa ng Joint AFP/PNP/Comelec Check points upang ipatupad ang GUN BAN at mapaigting ang seguridad sa panahon ng kampanya at eleksiyon.

Binigyan diin din ng nasabing Brigade Commander na di dapat kunsintihin ng mga kandidato ang tinatawag na Permit to Campaign (PTC) ng mga rebeldeng NPA na isang malinaw na pangungutong at pangugurakot ng kilusang komunista.

Dagdag pa ni Col. Quita na ang insurhensiya ay hindi lamang trabaho ng mga kasundaluhan at kapulisan bagkus ito ay mareresolba lamang sa pamamagitan ng sama-samang puwersa katuwang ang lokal na pamahalaan, iba?t-ibang ahensiya ng gobyerno, pribadong sektor at ng mamamayan sa lugar. (PIA-MIMAROPA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»P3.4 million DAR project eyes reduced poverty, unemployment in Davao region
»Young life snuffed out in NPA Valentines Day attack
»Gov't peace and development projects under siege
»Public lectures, food demos set at UP Mindanao
»Lot for the landless: Tagum mayor surprise Valentines gift
»Tagum City chants in communication proficiency
»DTI 11 consults with private sector to improve services
»Private sector urged to influence gov't to think like entrepreneurs
»Davao seminar on autism spectrum disorder set February 21
»Postharvest project keeps elderly farmers productive
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines