Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 24 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/17

Tagalog News: 11 computer mula sa DOLE ipinagkaloob sa PESO-Bulacan

Lungsod ng Malolos (17 February) -- Siyam na desktop at dalawang laptop o may kabuuang labing-isang computer ang ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa iba't ibang Public Employment Services Office (PESO) sa Bulacan kamakailan.

Ipinagkaloob ito sa mga lungsod ng Malolos at Meycauayan, at sa mga bayan ng Marilao, Guiguinto, Calumpit, Sta Maria, San Ildefonso, Bulakan, Bocaue at Bustos.

Ani DOLE Assistant Regional Director Ernesto Bihis, "ito'y bilang insentibo at pasasalamat dahil sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga programa ng DOLE."

Dagdag pa ni Bihis, ang 20 porsyento o katumbas ng P 4.2 Milyon ng kanilang pondo para sa mga proyektong pangkabuhayan ay inilaan nila sa Bulacan.

Nagpasalamat naman si Bulacan Governor Joselito Mendoza sa patuloy na pagpapahalaga ng DOLE sa mga ginagawang hakbang ng lalawigan ng Bulacan upang matugunan ang problema sa kawalan ng trabaho.

Bunsod nito, kasabay ring inanunsyo ni Mendoza na magbibigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng 14 na computer bilang pagpupuno sa mga bayan at lungsod na hindi nakasama sa mga napagkalooban na.

Bulacan PESO ang kauna-unahang pinarangalan bilang Hall of Fame Awardee noong nakaraang taon para sa pinakamahusay na PESO sa hanay ng mga lalawigan. (PPAO thru PIA BUlacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»P3.4 million DAR project eyes reduced poverty, unemployment in Davao region
»Young life snuffed out in NPA Valentines Day attack
»Gov't peace and development projects under siege
»Public lectures, food demos set at UP Mindanao
»Lot for the landless: Tagum mayor surprise Valentines gift
»Tagum City chants in communication proficiency
»DTI 11 consults with private sector to improve services
»Private sector urged to influence gov't to think like entrepreneurs
»Davao seminar on autism spectrum disorder set February 21
»Postharvest project keeps elderly farmers productive
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines