Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/17

Tagalog News: Road projects sa Surigao del Sur at Davao Oriental ininspeksyon ng Pangulo

Koronadal City (17 February) -- Inaasahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ganap na pag-unlad sa mga lalawigan sa Surigao del Sur at Davao Oriental dahil sa naglalakihang road projects na nakatakdang makukumpleto bago bababa ang Pangulo sa puwesto sa Hunyo.

Bahagi ng Super Regions tour ng Pangulo ang pagbisita sa bayan ng Surigao del Sur kung saan pinasinayaan ang P50-million Socorro Feeder Port sa lungsod ng Socorro, Surigao del Sur at ininspeksyon Lingig-Boston Section ng Surigao-Davao Coastal Road.

Kasama ng mga newsmen, nilibot ng Pangulo ang nasabing lugar sakay ng isang bus upang inspekyunin ang patuloy na pagsasaayos ng labing-limang kilometrong daan na inaasahang matatapos sa buwan ng Hunyo.

Ang nasabing road project ay nagkakahalaga ng P628 million at mag-uugnay sa silangang bahagi ng Bacuag, Surigao del Norte sa Caraga region at mag-uugnay naman bayan ng Boston, Davao Oriental sa Southern Mindanao Region.

Makatutulong ang nasabing road projects na ito sa pagpapabilis ng biyahe ng mamamayan at paghahatid ng mga produkto at serbisyo sa mga nasabing lugar.

Binisita rin ng Pangulo ang ilang proyektong pang-imprastruktura sa southern island partikular na sa rehiyon ng Caraga at inisa-isa ang ilang development projects na nag-udyok sa pag-unlad ng ekonomiya ng southern regions sa ilalim ng Mindanao Super Region strategy. (BDEnestois/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»P3.4 million DAR project eyes reduced poverty, unemployment in Davao region
»Young life snuffed out in NPA Valentines Day attack
»Gov't peace and development projects under siege
»Public lectures, food demos set at UP Mindanao
»Lot for the landless: Tagum mayor surprise Valentines gift
»Tagum City chants in communication proficiency
»DTI 11 consults with private sector to improve services
»Private sector urged to influence gov't to think like entrepreneurs
»Davao seminar on autism spectrum disorder set February 21
»Postharvest project keeps elderly farmers productive
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines