Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/17

Tagalog News: Cloud-seeding sa South Cotabato, pinag-aaralan

Koronadal City (17 February) -- Kasalukuyang pinag-aaralan ng mga opisyales ng sector ng agricultura sa lalawigan ng South Cotabato ang posibilidad ng pagkakaroon ng cloud seeding operations upang matulungan ang mga agricultural crops na maging productive sa kabila ng unti-unting pagkasira dahil sa sobrang init na dala ng El Nino phenomenon.

Ayon kay South Cotabato provincial agriculturist Reynaldo Legaste, ang kanilang initial assessment ay nagpapakita na malaking bahagi ng lupang sakahan sa lalawigan ay uinti-unting natutuyo dahil sa hindi karaniwang init sa nakalipas na dalawang linggo.

Ang kawalan din umano ng ulan sa panahong ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa mga irrigation facilities na nagbibigay ng patubig sa mahigit apat-na-libong (4,000) ektaryang palayan. Mahigit kalahati rin ng labing-isang libong (11,000) maisan ang dahan-dahang natutuyo dahil sa tagtuyot.

Kung ang ganitong kondisyon ay magpapatuloy sa susunod na dalawampung araw, mangangailangan umanong ituloy ang cloud seeding operation upang maiwasan ang mas malaki pang kasiraan sa mga produktong pang-agrikultura, paliwanang ni Legaste.

Ayon pa rin kay Legaste, nakipag-coordinate na ang lalawigan sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM) para sa cloud seeding operations sa mga piling bayan ng Tantangan, Surallah, Banga, Norala, Sto. Nino, T'boli at Lake Sebu sakaling lalala ang sitwasyon. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»P3.4 million DAR project eyes reduced poverty, unemployment in Davao region
»Young life snuffed out in NPA Valentines Day attack
»Gov't peace and development projects under siege
»Public lectures, food demos set at UP Mindanao
»Lot for the landless: Tagum mayor surprise Valentines gift
»Tagum City chants in communication proficiency
»DTI 11 consults with private sector to improve services
»Private sector urged to influence gov't to think like entrepreneurs
»Davao seminar on autism spectrum disorder set February 21
»Postharvest project keeps elderly farmers productive
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines