Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/18

Tagalog News: Mahigit P30-M agricultural program pasisimulan sa Oriental Mindoro

Calapan City (18 February) -- Mahigit sa P30M ang programang pang-agrikultura at kontra-kahirapan ang pasisimulan sa Oriental Mindoro ngayong taon.

Ito ay matapos na lumagda sa kasunduan si Gobernador Arnan C. Panaligan at Director Gil Saguiguit ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research o SEARCA para sa Focused-Food Production Assistance to Vulnerable Sectors na pinopondohan ng European Union.

Isa ang Oriental Mindoro sa anim lamang na lalawigang kabilang sa proyektong ito. Benepisyaryo rin ng programa ang Occidental Mindoro, Camarines Norte, Camarines Sur, Misamis Occidental at Misamis Oriental.

Pangunahing layunin ng programa na mabawasan ang kahirapan at mapabuti ang kalagayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng iba't ibang proyekto kabilang ang pagtulong sa pagpapataas ng produksyon ng bigas sa mga palayan at huling yamang-dagat sa mga karagatan, pagtataguyod ng mga bagong teknolohiya at malalimang pagpapaunawa sa global phenomenon na climate change at paglikha ng mga pamamaraan upang mabawasan ang epekto nito.

"Ang mga ganitong proyekto ay malaki ang maitutulong para sa pagpapatatag ng pagiging food basket at rice granary ng Mindoro. The program is a recognition of the vital role that we play in producing food not only for our people but for the country as well. We pledge full support to the program," pahayag ng gobernador.

Aniya pa, matibay ang kanyang paniniwala na ang kinabukasan at kaunlaran ng Oriental Mindoro ay nananatiling nakasalalay sa maayos at epektibong programang pang-agrikultura. "The future of Mindoro is anchored on sound agricultural development and definitely we will not abandon agriculture in exchange to other projects particularly to large-scale mining," dagdag ng gobernador.

Kaugnay nito, inilatag ni Provincial Agriculturist Jaime G. Nuevas, Jr. sa harap ng mga kinatawan mula sa University of the Philippines, National Commission on Indigenous Peoples, at iba pang mga ahensya ng pamahalaan at samahan na magsisilbing consultants para tiyaking magiging maayos ang implementasyon ng pragrama, ang mga proyektong nakaplano sa Oriental Mindoro at nakapaloob sa key project components.

Ang key project components ay food production assistance in the upland areas, food production assistance for lowland areas, food production assistance for foshery areas.

Ilan sa mga proyektong pagtutuwangan ng SEARCA at pamahalaang panlalawigan ay ang probisyon ng organic fertilizers at planting materials, pagsasaayos ng mga irigasyon at sistemang patubig, pagbibigay ng mga kailangang pagsasanay sa mga magsasaka at mangingisda, paglulunsad ng mga alternatibong pagkakakitaan kasama ang probisyon ng mga alagaing hayop, pagkakaloob ng hybrid rice seeds, at ma-kalidad na mga butong pananim, pagmamantina ng hatchery, processing centers, nursery houses, crab culture, pagtataguyod ng post-harvest facilities at iba pa.

Mapapabilang sa programa ang mga bayan ng San Teodoro, Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan, Mansalay, Bulalacao at syudad ng Calapan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»American Imam visits Zamboanga
»Feature: MyPhone doing good in RP market
»NEDA pioneers human rights-based dev't planning for RP
»Feature: Caraga's gardening program and the 4Ps
»ComVal gov to go global GK network
»Banay-banay takes on global warming advocacy
»PGMA ready to sign MinDA bill into law
»Provincial govt's asked to pour funds for Davao Del Norte-Bukidnon road
»PGMA to finish biggest road infra project before her term ends
»Gov't spent P900-M for development projects in Sultan Kudarat
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines