Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/18

Tagalog News: May pagsasanay at proyektong pangkabuhayan ang Oriental Mindoro

Calapan City (18 February) -- Tinitiyak ng administrasyon ni Gobernador Arnan na ang mga inilulunsad nitong proyekto ay kagyat na nakatutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan at siyang totoong makapagpapabuti ng kanilang pamumuhay.

Sa layuning ito nakabase ang pagbibigay ng Kapitolyo, katuwang ang ibang mga ahensya at samahan, ng mga pagsasanay-pangkabuhayan at maliliit na tulong-puhunan.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan sa kanyang pagdalo sa 10th Year Anniversary ng Paaralang Bayan Alumni Association sa bayan ng Naujan noong Pebrero 6. Ang Paaralang Bayan na kasalukuyang pinamumunuan ni Cresencia Villena ay isa sa mga pinaka-aktibong samahang nagbibigay ng pagsasanay sa mga hindi nakapag-aral, mga magsasaka, mangingisda at iba pang sektor ng lipunan para sa iba't ibang pagkakakitaan.

"Nais ng inyong pamunuan na ang mga ipinagkakaloob naming proyekto sa mga mamamayan iyong mga tiyak na nakatutugon sa inyong pangangailangan. Sa panahon ngayong ang lahat ay nakakaranas ng hirap, ang mga proyektong maaaring kaagad na magbigay ng dagdag-kita ang kailangan. Ang mga pagsasanay at ang maliliit na suportang pinansyal ay inaasahan naming malaking tulong ang naibibigay sa inyong lahat," ayon sa gobernador.

Sa pangasiwaan ni Gobernador Arnan, hindi na mabilang ang nabigyan ng tamang kasanayan at sa kasalukuyan ay mayroon ng dagdag na pinagkakakitaan.

Maraming bilang, na karamihan ay out-of-school youth mula sa iba;'t ibang bayan, ang nakapagsanay na sa pagwe-welding. Ang skilled welders ay isa sa mga pinakamabilis na magkatrabaho maging sa ibang bansa. Ang pagwe-welding ay maaari ring pagkakitaan maging sa sariling bakuran lamang.

Bukod sa libreng pagsasanay sa pagre-repair ng cellular phones, binibigyan din ng administrasyong Panaligan ng repair kit ang mga benepisyaryo nito upang mabilis nilang mapagkakitaan ang kanilang natutunan at makatulong sa kani-kanilang pamilya.

Pinakikinabangan at kumikita na ang mga sumailalim sa pagsasanay sa paggugupit at pagmamasahe. Karamihan sa mga ito ay ina ng tahanan na kumikita kahit sila ay nasa kanila lamang mga tahanan. Nakapagbaba na rin ng food processing trainings ang pamahalaang panlalawigan.

Nakapagbigay na rin ng libreng pagsasanay at tulong puhunan sa pag-aalaga ng hayop at pagtitinda ng mga lutong-pagkain at mga kakanin ang administrasyong Panaligan.

Mga maliliit na proyekto subalit napakalaking tulong sa pagpapaalwan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mamamayan.

Ang mga katulad na proyekto ang higit na nagpapatibay ng paniniwala ni Calapan City Vice-Mayor Rafael L. Infantado na epektibo ang pamamahala ng administrasyong Panaligan dahilan upang kanya itong higit pang suportahan at tumakbo bilang bise-gobernador ni Gobernador Arnan.

Maliliit na proyektong lubhang pinahahalagahan ng mga mamamayan na pinatotohanan kamakailan ni PBAA President Villena.

"Bagamat maliliit na suportang pinansyal lamang ang naipagkaloob sa amin ni Gobernador Arnan ay hindi ito ang aming tinitingnan. Ang tinitingnan namin ay iyong kagyat niyang pagtugon at ang pangmatagalang epektong dulot ng kanyang suporta sa aming samahan. At ang isa pang nais kong bigyang-diin ay ang personal kong pagsaksi sa pagtulong ni Gob. sa lahat na hindi tinitingnan ang aspetong pulitika. Kay Gob. walang pulitika, ang kanyang iniisip lamang ay ang matulungan ang lahat," paghanga ni Villena. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»American Imam visits Zamboanga
»Feature: MyPhone doing good in RP market
»NEDA pioneers human rights-based dev't planning for RP
»Feature: Caraga's gardening program and the 4Ps
»ComVal gov to go global GK network
»Banay-banay takes on global warming advocacy
»PGMA ready to sign MinDA bill into law
»Provincial govt's asked to pour funds for Davao Del Norte-Bukidnon road
»PGMA to finish biggest road infra project before her term ends
»Gov't spent P900-M for development projects in Sultan Kudarat
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines