Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/18

Tagalog News: Panukalang Tree-Protection Ordinance of Oriental Mindoro pinag-aaralan ng SP

Calapan City (18 February) -- Isang ordinansang naglalayong maproteksyunan at mapangalagaan ang mga punong-kahoy sa buong Oriental Mindoro mula sa pagkasirang maaaring dulot ng pagdidikit ng iba't ibang advertisements at information materials sa mga ito.

Ito ang layunin ng panukalang ordinansang "Tree Protection Ordinance of Oriental Mindoro," na inaprubahan sa unang pagbasa sa sesyon ng SP noong Pebrero 8 sa Kapitolyo, sa pangunguna ni Bise-Gobernador at SP Presiding Officer Maria Estela Felipa M. Aceron. Kasalukuyang naka-refer ito sa SP committee on environment and natural resources.

Sa ilalim ng panukalang ordinansa, nakatakdang i-regulate ang pagdidikit ng sari-saring ads o information materials at iba pang katulad na materyales sa mga punongkahoy sa iba't ibang panig ng lalawigan na nakasisira sa mga puno na sa katagalan ng panahon ay nagiging hindi na magnda sa paningin. Layunin din ng panukalang ordinansa na maitaas ang kamalayan ng mga mamamayan sa kanilang tungkuling pangalagaan ang kapaligiran.

Sa ilalim ng panukalang ordinansa, ipagbabawal ang pagdidikit ng anumang advertisements o iba pang information materials sa lahat ng uri ng punong-kahoy sa pampubliko o pribadong lupain sa lalawigan.

Sinumang mahuhuling lalabag sa ordinansa sa una hanggang ikatlong pagkakataon ay maaaring mapatawan ng multa mula P2,000 hanggang P5,000 o pagkakakulong mula apat hanggang 30 araw, depende sa desisyon ng korte.

Bago naman tuluyang maipatupad, isasalang pa ang panukalang ordinansa sa serye ng mga pagdinig at pagpupulong ng Sanggunian bago pa ito maaprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa ng SP. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»American Imam visits Zamboanga
»Feature: MyPhone doing good in RP market
»NEDA pioneers human rights-based dev't planning for RP
»Feature: Caraga's gardening program and the 4Ps
»ComVal gov to go global GK network
»Banay-banay takes on global warming advocacy
»PGMA ready to sign MinDA bill into law
»Provincial govt's asked to pour funds for Davao Del Norte-Bukidnon road
»PGMA to finish biggest road infra project before her term ends
»Gov't spent P900-M for development projects in Sultan Kudarat
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines