Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/18

Tagalog News: Pagpapaunlad sa mga barangay patuloy na itinataguyod ni Gob Arnan

Calapan City (18 February) -- Ang maiangat ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng mga proyektong tunay na kailangan ng bawat barangay sa lalawigan. Sa may mahigit 15 taon na niyang pagiging isang lingkod-bayan, ito ang nananatiling panuntunan ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran.

Mga kongkretong kalsada, mga kinakailangang pasilidad sa mga paaralan, malinis na pinagkukunan ng tubig ? ang lahat ng ito at maraming iba pa ang naipagkaloob na ni Gobernador Arnan sa mga taga-Brgy. Masipit, Lungsod ng Calapan.

Ang pagpapasemento ng mga kalsada ang nagsisilbing daan upang mapabilis ang daloy ng kaunlaran sa mga barangay.

Ayon kay Kapitan Rafael E. Panaligan, Jr., sa termino ni Gobernador Arnan bilang dating Mayor ng Calapan hanggang sa kanyang pagiging punong lalawigan, naging benepisyaryo ang kanyang barangay ng iba't ibang road concreting projects. Kabilang na rito ang sa Sitio PCC Village at Sitio Church Site ? mga proyektong nagpaalwan sa buhay ng kanyang mga ka-barangay.

"Kabilang sa mga proyektong naipagkaloob sa aming barangay ni Governor Panaligan noong Mayor pa lang siya ng Calapan ay ang road concreting po dito sa Sitio PCC Village na may habang 150 lineal meters. Karamihan po ng mga naninirahan ay dito ay mga nagbo-board na mga estudyante mula sa iba pang mga bayan. Dati'y nagtitiis po silang maglakad sa putikan, lalo na kung tag-ulan. Nung maipasemento ito ni dating Mayor Arnan, naging maalwan po ang buhay ng mga taga-rito," ayon kay Kapitan Jun.

Pahayag naman ni Gng. Maria Cebu Echanova na may 35 taon nang naninirahan sa Sitio PCC Village, "Mahirap po ang kalsada namin noon, lalo na po para sa mga estudyante. Maputik at baku-bako at kinakailangan pa pong maglililis ng pantalon ang mga estudyante pagpapasok sila. Iyong iba po ay sumasakay sa tri-bike noon palabas ng highway. Nang maipasemento po ito ni Mayor Arnan, naging maalwan po ang aming buhay."

Ayon kay Kapitan Jun, taong 2009, sa pondong laan na P1M, naipakongkreto rin ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang kalsada sa Sitio Church Site na may habang 200 lineal meters na lubhang malaking tulong sa mga mamamayang dito ay naninirahan, partikular sa mga batang mag-aaral na dumaraan dito papasok sa kanilang paaralan.

Isa pa sa mga prayoridad ng administrasyong Panaligan ang pagtataguyod sa edukasyon ng kabataang Mindoreņo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga tulong at suporta sa mga paraalan para sa pagsasagawa at pagtatayo ng iba't ibang mga pasilidad na kinakailangan ng mga mag-aaral.

Sa Brgy. Masipit matatagpuan ang isa sa pinakamalalaking kolehiyo sa lalawigan ? ang Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinSCAT) ? Calapan City Campus, ang paaralan para sa may mahigit 1,700 mga estudyante mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan.

Ayon kay MinSCAT College Administrator II Emelito Matunan, lubos na pinakikinabangan ng lahat ng mga mag-aaral, guro, magulang at maging ng mga bisitang dumarayo sa MinSCAT ang mga proyektong naipagkaloob ng administrasyon ni Gobernador Arnan sa kanilang paaralan. Pangunahin na rito ang pagpapasemento ng access road sa loob ng MinSCAT at ang pagkakaloob ng tulong pinansyal para sa pagpapagawa ng nasira nilang activity center.

Sa lahat ng mga tulong at suportang naipagkaloob at patuloy na ipagkakaloob ng pamunuan ni Gobernador Arnan sa paaralan, taus-pusong pasasalamat ang paabot ng mga taga-MinSCAT, sa pamamagitan ni College Administrator Matunan.

Ayon naman kay Kapitan Jun, kamakailan lamang ay nagkaloob din si Gobernador Arnan ng walong culvert para sa pagpapagawa ng isa pang daanan papasok ng MinSCAT sa bahagi ng highway. Ito ay bilang paghahanda sa sunud-sunod na regional activities na isinasagawa sa paaralan.

Upang maprotektahan naman ang mga mag-aaral at mga residente mula sa pagbaha na dulot ng pag-apaw ng creek sa gilid ng Masipit Elementary School, naipalinis ito nina Kapitan Jun sa pamamagitan ng P20,000 tulong pinasyal mula kay Gobernador Arnan.

Sa Masipit Elementary School, gate ng paaralan na nagsisilbing proteksyon sa mga mag-aaral, mga librong pinakikinabangan na ng mga mag-aaral, at sa pamamagitan ng pondo mula sa Provincial School Board, naipagawa rin ang stage ng paaralan na pinagdarausan ng kanilang mga palatuntunan at covered court sa harap nito na nagsisilbing silungan ng mga mag-aaral ang ilan sa mahahalagang proyektong naipagkaloob na ni Gobernador Arnan.

Sa ngalan naman ng may 300 mag-aaral, mga guro at magulang ng Masipit Elementary School, taus-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Teacher II Ferdinand Paala kay Gobernador Arnan, sa aniya'y mga proyektong lubos nang pinakikinabangan ng kanilang paaralan.

Ang pagkakaroon ng pinagkukunan ng malinis na tubig ang isa sa mga pangunahing pangangailan ng mga mamamayan.

Naging benepisyaryo na ang Barangay Masipit ng 12 jetmatic pumps na ngayo'y pinakikinabangan na ng mga mamamayan sa iba't ibang sityo ng barangay.

Para kay Gng. Rosemarie Estrada, 45 taong gulang at may pitong taon nang residente ng barangay, "malaki pong tulong para sa amin dito sa Sityo Irrigation, ang pagkakaroon ng pinagkukunan ng malinis na tubig na ginagamit po namin sa aming pang-araw-araw na pangangailangan.Hindi po namin pinoproblema kung saan kami kukuha ng malinis na tubig. Maraming-maraming salamat, po Gov. Arnan sa inyong binigay sa amin."

Naging saksi si dating Kapitan Melecio E. Recaņa, Sr. sa pag-unlad ng Barangay Masipit sa paglipas ng mga taon, at nagpatunay sa kung paanong nakatulong si Gobernador Arnan sa pagbabago sa uri ng pamumuhay ng mga taga-Barangay Masipit. Nagsilbi si Kapitan Miling bilang punong-barangay ng Masipit mula 1957 hanggang 1969, 1972 hanggang 1989 at mula 1994 hanggang 2007. Para kay dating Kapitan Miling, hindi niya malilimutan ang lahat ng mga tulong na naipagkaloob sa kanila ni Gobernador Arnan, mula sa pagpapatayo ng kanilang barangay hall, sa pagpapasemento ng kanilang mga kalsada, at sa iba pang tulong sa kanilang barangay kaya taus-pusong pasasalamat ang nais niyang ipaabot sa Gobernador.

Tunay na ang sukatan sa maayos na pamumuno ng isang lider ay sa kung paanong nakapag-ambag siya sa pagpapaalwan ng buhay ng kanyang mga nasasakupan. At sa kung paanong nakatulong siya sa mga ito na mabigyan ng inspirasyon at pag-asa upang kumilos at magpunyagi para sa mas maunlad na pamumuhay para sa kanilang pamilya at para sa pamayanan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»American Imam visits Zamboanga
»Feature: MyPhone doing good in RP market
»NEDA pioneers human rights-based dev't planning for RP
»Feature: Caraga's gardening program and the 4Ps
»ComVal gov to go global GK network
»Banay-banay takes on global warming advocacy
»PGMA ready to sign MinDA bill into law
»Provincial govt's asked to pour funds for Davao Del Norte-Bukidnon road
»PGMA to finish biggest road infra project before her term ends
»Gov't spent P900-M for development projects in Sultan Kudarat
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines