Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/18

Tagalog News: PGMA bumisita sa bayan ng Mother Kabuntalan sa Maguindanao

by BD Enestois

Manila (18 February) -- Binisita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahapon ang bayan ng Mother Kabuntalan, Maguindanao na dating isang sixth-class municipality na ayon sa Pangulo ay unti-unti nang nakahulagpos sa magulo nitong kahapon tungo sa pagkamit ng katahimikan at kaunlaran.

Matatandaang kuta ng daang-daang mga rebelde ang lugar partikular na ang pwersa ng mga rebeldeng Moro samantalang ang karatig na Liguasan Marsh ay kublihan ng mga grupong walang kinikilalang batas kabilang na ang mga kidnap-for-ransom groups at cattle rustlers.

Ayon kay Kabuntalan Mayor Salaban Diocolano, malaki ang ipinagbago ng lugar simula ng magsilbi ang Pangulong Arroyo sa bansa at masigasig nitong pinalalaganap ng peace initiatives sa Mindanao.

Namahagi din ang Pangulo ng certificates of ownership sa animnapuít limang beneficiaries ng core shelter na ipinatayo sa pamamagitan ng limang milyong pisong pondo na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Pinapurihan din ng Pangulo ang pagtatapos ng 11.2 kilometer Lower Taviran to Ganta farm-to-market road na nagkakahalaga ng labing-tatlong milyong piso.

Inihayag ni DSWD Asst. Sec. Vilma Cabrera na kulang pa ng tatlumpuít limang units ang core houses para makumpleto na ang isang daang core shelters na naunang ipinangako ng pamahalaan sa evacuees ng Kabuntalan na naapektuhan ng sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at pwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa naiurong na paglagda sa memorandum of agreement noong 2008 na magbibigay daan sana sa pagpapalawak ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa ilalim ng MILF proposed Bangsamoro Juridical Entity. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»American Imam visits Zamboanga
»Feature: MyPhone doing good in RP market
»NEDA pioneers human rights-based dev't planning for RP
»Feature: Caraga's gardening program and the 4Ps
»ComVal gov to go global GK network
»Banay-banay takes on global warming advocacy
»PGMA ready to sign MinDA bill into law
»Provincial govt's asked to pour funds for Davao Del Norte-Bukidnon road
»PGMA to finish biggest road infra project before her term ends
»Gov't spent P900-M for development projects in Sultan Kudarat
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines