Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/18

Tagalog News: P900 million binuhos para sa development projects sa Sultan Kudarat

by DE Doguiles

Koronadal City (18 February) -- Halos isang bilyong piso ang binuhos ng pamahalaan para sa development projects sa lalawigan ng Sultan Kudarat nagmula noong 2007 hanggang sa kasalukuyan.

Sa pagbisita kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa bayan ng Lambayong kaugnay ng kanyang Agribusiness Mindanao legacy tour kahapon, inulat nito sa mga mamamayan ng nasabing lugar na umabot nang halos isang bilyong piso ang ginugol ng pamahalaan para sa agribusiness at infrastructure development projects sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Kalakip dito and halos limang daang milyong pisong pundo ang ginugugol para sa agribusiness at infrastructure projects sa bayan ng Lambayong.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Arroyo, nagpasalamat si Governor Suharto "Teng" Mangudadatu sa dagliang pagtugon ng Pangulo sa pangangailangan ng probinsiya lalung lalo na sa bayan ng Lambayong nang sinalanta ito ng bagyong Frank noong 2008.

Ani Governor Mangudadatu, agad nagpadala ng P50 milyon ang Pangulo para sa dredging projects para maisalba ang may apat na libo hanggang anim na libong ektaryang sakahan sa lugar. Dinagdagan pa agad ito ng Pangulo ng P150 milyon para maayos ang Marcos Highway at isang nasirang tulay.

Kung hindi umano sa dagliang tulong ng pamahalaan, maaaring nawala sa mapa ang bayan ng Lambayong.

Tinuran din ni Governor Mangudadatu ang ilang pangunahing infrastructure project ng pamahalaan sa ibang lugar ng lalawigan. Kasama rito ang mga development projects sa coastal area ng Sultan Kudarat, concreting ng national highway papunta sa bayan ng Senator Ninoy Aquino, at upgrading ng Palimbang to Kalamansig road.

Samantala, ayon naman kay Mayor Ramon Abalos ng Lambayong, dahil sa tulong ni Pangulong Arroyo, ang Lambayong na ngayon ang may pinakamahabang improved farm-to-market road sa buong Mindanao. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»American Imam visits Zamboanga
»Feature: MyPhone doing good in RP market
»NEDA pioneers human rights-based dev't planning for RP
»Feature: Caraga's gardening program and the 4Ps
»ComVal gov to go global GK network
»Banay-banay takes on global warming advocacy
»PGMA ready to sign MinDA bill into law
»Provincial govt's asked to pour funds for Davao Del Norte-Bukidnon road
»PGMA to finish biggest road infra project before her term ends
»Gov't spent P900-M for development projects in Sultan Kudarat
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines