Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/18

Tagalog News: Anti-smoking campaign sa Rehiyon XII pa-iigtingin

by RM Padua

Koronadal City (18 February) -- Pa-iigtingin pang lalo ang kampanya laban sa paninigarilyo sa Rehiyon XII.

Sa meeting kapahon ng Inter-Agency Committee on Tobacco Regulations sa Department of Trade and Industry XII kahapon, pinag-usapan ang ilang batas na naglalayong kontrolin ang paninigarilyo at mga kasamaang dulot ng paninigarilyo.

Tinalakay ni Mr. Eshan Karl O. Mabang, Region 12 Project Coordinator of Bloomberg for DOH Region 12 ang RA 9211 na naglalayong magtaguyod ng malinis na kapaligiran at ipaalam sa publiko ang mga panganib na dala ng paninigarilyo.

Nagbigay din ng lecture si Atty. Venus Ondoy hinggil sa pagtatalaga ng mga "Smoking Area" at "No Smoking Area" sa mga opisina ng gobyerno.

Sentro naman ng usapan ang mga pinsalang dulot ng paninigarilyo sa katawan ng naninigarilyo at ng mga nakalalanghap ng usok nito na binigyang-linaw ni Dr. Virginia Sulit, isang private medical practitioner.

Binigyang diin ni Dr. Sulit na ang bawat stick ng sigarilyo ay may 4,000 nakapipinsalang mga kimikal, it 250 dito ay sanhi ng kanser. Mas higit din umanong nakapipinsala ang nalalanghap lang na usok mula sa naninigarilyo sapagkat ang binubugang usok ay mas nakalalason.

Hinamon ni Estrella Ilagan, isang nurse mula sa DOH 12, ang lahat ng dumalo sa pagpupulong na maging tagapagtaguyod ng kampanya laban sa paninigarilyo. Ani Ilagan, ang kanilang tungkulin ay tulungan ang mga naninigarilyong huminto sa paninigarilyo.

Ang nasabing meeting ay dinaluhan ng mga representante ng Department of Health 12, Department of Environment and Natural Resources12, Philippine National Police 12, Land Transportation Office 12, local government units at iba pang pribadong sektor. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»American Imam visits Zamboanga
»Feature: MyPhone doing good in RP market
»NEDA pioneers human rights-based dev't planning for RP
»Feature: Caraga's gardening program and the 4Ps
»ComVal gov to go global GK network
»Banay-banay takes on global warming advocacy
»PGMA ready to sign MinDA bill into law
»Provincial govt's asked to pour funds for Davao Del Norte-Bukidnon road
»PGMA to finish biggest road infra project before her term ends
»Gov't spent P900-M for development projects in Sultan Kudarat
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines