Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/18

Tagalog News: Taga-Maguindanaoan pinag-iingat ng PNP

Koronadal City (18 February) -- Pinag-iingat ng kapulisan ang mga residente ng ilang bayan ng lalawigan ng Maguindanao dahil sa mga bombang nakabaon sa ilang mga liblib na barangay.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Maguindanao police director Alex Lineses, dapat umanong mag-ingat ang mga residente sa mga unexploded ordnance na nakakalat, makaraang sumabog ang itinuturing na "signature firepower" ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Kabingi, Datu Saudi Ampatuan.

Ang sumabog na bomba ay naging sanhi ng pagkamatay ng mag-asawang Saiden Untag at Taga Kulige pati na ang isang siyam-na-taong gulang na batang lalaki.

Batay sa ulat ng pulis, ang mga bikitima ay nagpapa-apoy para sa paggawa ng uling ng biglang sumabog ang bomba na agad ikinamatay ng babae at ng batang lalaki habang ang asawa ay dinala sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarnag "dead on arrival."

Ayon sa mga awtoridad, ang sumabog na rocket propelled grenade ay signature firearm ng MILF noong nakikipag-laban ito sa mga tropa ng pamahalaan sa Maguindanao noong nakalipas na taon.

Naghihinala din si Lineses na ang bomba ay hindi sumabog noong kasagsagan ng awayan at ngayon lamang sumabog dahil sa matinding init dala ng pag-uuling.

Wala rin umano itong kaugnayan sa pagbisita kahapon ng Pangulong Arroyo sa bayan ng Kabuntalan, mahigit pitumpung kilometro ang layo mula sa bayan ng Saudi Ampatuan. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»American Imam visits Zamboanga
»Feature: MyPhone doing good in RP market
»NEDA pioneers human rights-based dev't planning for RP
»Feature: Caraga's gardening program and the 4Ps
»ComVal gov to go global GK network
»Banay-banay takes on global warming advocacy
»PGMA ready to sign MinDA bill into law
»Provincial govt's asked to pour funds for Davao Del Norte-Bukidnon road
»PGMA to finish biggest road infra project before her term ends
»Gov't spent P900-M for development projects in Sultan Kudarat
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines