Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 19 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/19

Tagalog News: Sultan Kudarat tinaguriang prime agribusiness zone sa Mindanao

by BD Enestois

Koronadal City (19 February) -- Pinunduhan ng pamahalaan ang agricultural development sa mga probinsya sa Mindanao partikular na sa Sultan Kudarat bilang key agribusiness at growth area sa southern at central Mindanao.

Inihayag ni Sultan Kudarat Governor Suharto "Teng" Mangudadatu na ang labing-isang munisipalidad at isang lungsod sa Sultan Kudarat ay patuloy na rumehistro ng pag-unlad sa ekonomiya nitong nakaraang tatlong taon bunsod ng inisyatibo ng pamahalaan na baguhin ang probinsiya bilang pangunahing agribusiness zone.

Dagdag pa niya, milyun-milyong pondo ang ibinigay ng pamahalaan sa probinsya at namahagi pa ng livelihood packages sa mga residente lalo na sa kalagitnaan ng global financial crisis.

Ani Mangudadatu, nakatanggap ang probinsya ng siyam na raang milyong piso (P900-M) para sa mga proyekto gaya ng farm-to-market roads, irrigation system, potable water systems, mga tulay, postharvest facilities at iba pang mga proyekto na may kaugnayan sa three project phases at rehabilitation ng deke sa Allah River na nasira ng bagyong Frank noong Hunyo 2008 sa ilalim ng Mindanao Rural Development Program (MRDP) na suportado ng World Bank sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang MRDF ay isang long-term poverty alleviation initiative na inilunsad sa pagpapaunlad ng mahigit sa dalawang daan dalawampu?t limang bayan sa buong Mindanao na popondohan ng pamahalaan, local government units at loan portfolio mula sa World Bank.

Binigyang diin din ni Lambayong Mayor Ramon Abalos na malaki ang naitulong ng MRDP program sa pag-unlad ng palay at corn production at pag-unlad ng bayan mula sa pagiging fourth class municipality noon na naging second class na dahil sa malaking kita nito mula sa imporanteng infrastructure investments ng pamahalaan sa lugar. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagum successfully hosts Jazz Chants Festival
»Feature: Civic actions prove army has a heart
»Del Rosario creates anti-hunger task force
»P2B DA-MRDP infra project to benefit Mindanao farmers
»Davao prepares for Earth Hour 2010
»Davao biz group urged to cut carbon
»Nat'l gov't places equal attention to power
»Davao Sur puts up P10M irrigation project
»Cebuano News: Dugang 7,000 ka semelyang kahoy itanom na pud sa Davao Oriental
»'Rescue 206' emerges in Santiago City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines