Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/19

Tagalog News: Napolcom 12 tumatanggap na ng aplikante para sa PNP entrance at promotional exams

by DE Doguiles

Koronadal City (19 February) -- Sinimulan na ng National Police Commission Regional Office 12 (Napolcom 12) noong Pebrero 8 ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga nais maging pulis at yaong nagnananais na ma-promote.

Paala-ala ni Napolcom 12 Acting Regional Director Angelita Concepcion, "first come, first served" ang kanilang patakaran sa pagtanggap ng mga aplikante dahil sa limitasyon sa bilang ng mga silid na maari nilang pagdarausan ng eksamen.

Ayon kay Concepcion bagama?t sa Marso 12 ng kasalukuyang taon pa ang deadline ng pagsumite ng application form, limampu?t apat (54) na silid lang ang maaring ipagamit ng Notre Dame of Marbel University (NDMU) kung saan gaganapin ang eksamen sa rehiyon 12 sa Abril 25 ng kasalukuyan ding taon kung kaya?t pinaalalahanan niya ang nais mag-apply na magmadali.

Sa ganitong bilang kasi ng silid aralan at sa bilang na tatlumbpu?t limang examinee bawat classroom, hindi aabot sa dalawang libo ang maaring i-accommodate na examinee ng Napolcom. Paala-ala pa ng Napolcom, ang nasabing bilang ay hindi lang bagong aplikante, kasama rin ang mga nais ma-promote.

Kahapon, Pebrero 17, meron ng tatlong daan at dalawang (302) aplikanteng gustong maging pulis. Samantalang ang ang kukuha ng promotional exam ay umabot na sa isang daan at apat (104) sa police officer level, tatlumpo?t pito (37) sa senior police officer, lima (5) sa police inspector level, at dalawa (2) sa police superintendent level.

Dagdag pa ni Concepcion, ang sinumang nagnanais kumuha ng entrance exam sa PNP ay dapat college graduate, at may tangkad na 5? 4" sa lalaki at 5? 2" naman sa babae. Kailangan nilang magpakita ng orihinal na kopya ng transcript of records at NSO certified birth certificate kalakip ang certified true copies ng mga nasabing dokumento. Kailangan din ang dalawang 1" by 1" na magkaparehang colored ID picture na may puting background, isang legal size window envelope na may postal stamp na nagkakahalaga ng P9. Apat na raang piso (P400) ang babayarang ng bagong aplikante.

Para sa mga aplikante sa Rehiyon 12, kailangang personal na tutungo ang aplikante sa opisina ng Napolcom 12 sa 2nd floor, Top Commercial Building, corner Alunan Avenue and Abad Santos Street, Koronadal City. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagum successfully hosts Jazz Chants Festival
»Feature: Civic actions prove army has a heart
»Del Rosario creates anti-hunger task force
»P2B DA-MRDP infra project to benefit Mindanao farmers
»Davao prepares for Earth Hour 2010
»Davao biz group urged to cut carbon
»Nat'l gov't places equal attention to power
»Davao Sur puts up P10M irrigation project
»Cebuano News: Dugang 7,000 ka semelyang kahoy itanom na pud sa Davao Oriental
»'Rescue 206' emerges in Santiago City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines