Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/19

Tagalog News: Sorsogon muling napili bilang model police provincial office sa Bicol

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (February 19) -- Muling pinatunayan ng Sorsogon Police Provincial Office ang natatanging kakayahan nito sa larangan ng pagpapatupad ng kanilang tungkulin matapos na mapili ito bilang Model Police Provincial Office sa buong rehiyon ng Bikol para sa taong 2009.

Ito ang may pagmamalaking inihayag ni Sorsogon Police Provincial Director Police Senior Superintendent Heriberto Olitoquit matapos na tanggapin nito ang plaque of recognition mula kay PNP Regional Director Police Chief Supt. Cecilio Binamira Calleja, Jr. sa isinagawang awarding ceremony sabay ng 19th PNP Anniversary Celebration na ginawa sa Camp General Simeon Ola noong Lunes, ika-lima ng Pebrero na may temang "Mamamayan at Kapulisan: Bayanihang Pangkatahimikan at Pangkaayusan".

Ayon kay Olitoquit sa pangalawang pagkakataon, muli nilang pinatunayan ang kakayahan ng mga kapulisan dito sa Sorsogon sa larangan ng pagmamantini ng kaayusan, kapayapaan at magandang relasyon sa komunidad kung kaya't masaya niyang pinasalamatan ang lahat ng mga nasa likod ng tagumpay nilang ito.

Matatandaang nakuha rin ng Sorsogon Police Provincial Office ang kahalintulad na pagkilala noong 2008 sa ilalim ng panunungkulan ni dating provincial director PSSupt. Henry Raņola.

Kasabay ng pagkakapili sa kanila ay ang pagkakapili din ng Sorsogon Provincial Public Safety Management Company, dating 508th Police Provincial Mobile Group (PPMG) bilang Model Provincial Maneuver Unit for 2009.

Ayon kay PCI Rogelio Beraquit, acting commander ng Sorsogon Provincial Public Safety Management Company, ito rin ang pangalawang pagkakataong napili sila bilang Model Provincial Maneuver Unit for 2009 dahilan sa nakuha na rin nila ang kahalintulad na award noong nakaraang taon kung saan PPMG pa sila.

Binigyan din ng pagkilala si Sorsogon City Mayor Leovic Dioneda bilang isa sa mga Civilian Awardee sa taong 2009 dahilan sa buong suportang ibinigay nito sa lahat ng programa at kampanyang ipinatutupad ng PNP. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagum successfully hosts Jazz Chants Festival
»Feature: Civic actions prove army has a heart
»Del Rosario creates anti-hunger task force
»P2B DA-MRDP infra project to benefit Mindanao farmers
»Davao prepares for Earth Hour 2010
»Davao biz group urged to cut carbon
»Nat'l gov't places equal attention to power
»Davao Sur puts up P10M irrigation project
»Cebuano News: Dugang 7,000 ka semelyang kahoy itanom na pud sa Davao Oriental
»'Rescue 206' emerges in Santiago City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines