Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/22

Tagalog News: CHED National Games magsisimula ngayon

Manila (22 February) -- Pangungunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagbubukas ng kauna-unahang Commission on Higher Education (CHED) National Games ngayong araw sa Rizal Memorial Football Stadium.

Kalahok sa nasabing paligsahan ang higit sa limang libong atleta mula sa labing-pitong rehiyon sa bansa na maglalaban sa isang linggong sportsfest na inorganisa ni CHED.

Malawak ang saklaw ng CHED National Games kabilang na dito ang partisipasyon ng mga atleta mula sa private schools and institutions, state colleges and universities, at local government colleges and universities.

Inihayag ng Pangulo na ang pakikilahok ng mga mahuhusay na atleta mula sa iba't ibang mga institusyon ay isang hudyat upang madiskobre at mabuo ang mga de kalibreng mga atleta bilang representante ng bansa sa mga international sports competitions na magbibigay karangalan hindi lamang sa kanilang institusyon gayundin sa pamahalaan at sa bansa.

Inaasahang maaksyon ang tunggalian ng mg atleta sa sa labing-walong sports na kinabibilangan ng mga individual sports tulad ng men's and women's athletics, badminton, men's boxing, chess, dance sports, judo, karatedo, lawn tennis, swimming, table tennis at taekwondo na gaganapin sa iba't ibang venue sa Metro Manila.

Tampok din dito ang men's baseball, men's and women's basketball, beach volleyball, men's football, men's sepak takraw, men's softball at men's and women's volleyball.

Ang grupo ng rehiyon dose ay binubuo ng dalawang daan siyamnapu't dalawang atleta galing sa University of Southern Mindanao sa Kabacan, Cotabato, USM Kidapawan City Campus, Colegio de KIdapawan; Notre Dame of Marbel University sa Koronadal City; Sultan Kudarat State University, Mindanao State University-Gensan, Holy Trinity College, Mindanao Polytechnic College, at Ramon Magsaysay Memorial College. (BDEnestois/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Waray-Waray News: Imbestigasyon ha kuryente ipapabaya ha ERC
»Waray-Waray News: Edukado na an mga botante - Saludo
»Waray-Waray News: Igpasigi an mga palisiya nga epektibo - Nograles
»Waray-Waray News: PGMA mabisita ha Bohol hit Merkoles
»Cebuano News: Palasyo naglantaw og ubang panagang batok sa huwaw
»Cebuano News: Eleksyon sa mayo dili ma-apektahan sa El Nino, matud ni Planas
»Commentary: The known and unknown in automation
»Cebuano News: Super Region Tour ni PGMA ipadayon
»Waray-Waray News: PGMA maatinder han CHED National Games ha Rizal Memorial Sports Complex
»FVR tours Socsargen, refreshes peace in Mindanao
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines