Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/22

Tagalog News: Gov Dominguez: Walumpong porsiyento ng puhunan sa turismo dapat manggaling sa prribadong sektor

Koronadal City (22 February) -- Para lumago ang industriya ng turismo sa rehiyon, walumpong porsiyento ng puhunan para rito ay dapat manggagaling sa pribadong sektor, ayon kay Governor Miguel Dominguez ng Sarangani.

Dagdag pa ni Governor Dominguez sa kanyang mensahe sa ginanap na Eco-Mismo: The Philippine Conference on Eco-Tourism and Eco-Productivity sa ProTech Center sa Koronadal City noong Sabado, dapat din daw umanong gumanda ang tingin ng mga turista sa Mindanao at sa mga probinsiya sa rehiyon para lalong makahikayat ng bibisita sa lugar.

Hindi dapat iasa sa gobyerno lamang ang pamumuhunan at magplano para sa isang industriya kung saan ang makikinabang ay hindi lang ang gobyerno kundi lahat ng mamamayan, ayon kay Dominguez.

Hindi rin daw gawain ng gobyerno ang magtayo ng pasilidad para sa turismo dahil hindi kakayanin ng pamahalaan ang pamamahala ng mga pasilidad tulad ng resorts. Aniya, katungkulan ng gobyerno na tanggalin ang mga balakid sa industriya., maglatag ng quality standards, at siguruhin na maibigay ang pangangailangan ng mga tourism facility operators at ng mga turista tulad ng credit card facility, power, transportasyon, at iba pa.

Samantala, sa usaping pagpapaganda ng imahe ng rehiyon hinikayat ni Governor Dominguez ang mga dumalo kasama ang media na ibalita ang magagandang nagyayari sa sa rehiyon. Ani Dominguez, sa bawat isang masamang balita tungkol sa rehiyon, tatapatan ito ng sampung balita tungkol sa positibong nangyayari rito. Kailangan din daw umano ang branding ng Sarangani, South Cotabato, General Santos at buong rehiyon bilang mainan na destinasyon sa turismo.

Ang eco-tourism conference ay itinaguyod ng Ramos Peace and Development Foundation na pinangungunahan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Waray-Waray News: Imbestigasyon ha kuryente ipapabaya ha ERC
»Waray-Waray News: Edukado na an mga botante - Saludo
»Waray-Waray News: Igpasigi an mga palisiya nga epektibo - Nograles
»Waray-Waray News: PGMA mabisita ha Bohol hit Merkoles
»Cebuano News: Palasyo naglantaw og ubang panagang batok sa huwaw
»Cebuano News: Eleksyon sa mayo dili ma-apektahan sa El Nino, matud ni Planas
»Commentary: The known and unknown in automation
»Cebuano News: Super Region Tour ni PGMA ipadayon
»Waray-Waray News: PGMA maatinder han CHED National Games ha Rizal Memorial Sports Complex
»FVR tours Socsargen, refreshes peace in Mindanao
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines