Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/22

Tagalog News: PGMA bibisita sa Bicol para sa Central Philippines Tourism Super Region

Legazpi City (22 February) -- Nakatakdang bumisita ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ngaong araw sa bayan ng Donsol, Sorsogon na tinaguriang "whaleshark capital of the world" na dinarayo ng mga turista mula sa iba't-ibang panig ng bansa at ng buong mundo.

Sa kasalukuyan ay "butanding season" ngayon dito, mula pa noong Oktubre nakaraang taon hanggang Hunyo ngayong taon kung saan daan-daang mga whaleshark ang nagpapakita sa karagatan ng nasabing bayan at talagang nagbibigay aliw sa mga turista.

Noong nakaraang taon lamang ay umabot sa P70 milyon ang nakalap na income ng Donsol mula sa industriya ng turismo dito, dagdag pa ang nakapagbigay trabaho sa mga mamamayan ditto pati na rin sa mga kalapit na lugar, ayong sa Department of Tourism (DOT) Bicol.

Nakatakda ring pumunta ang Pangulo sa world-class Misibis Bay Raintree Resort and Spa sa Cagraray Island sa lalawigan naman ng Albay kung saan magkakaroon din ng piging kasama ang mga mamamahayag upang hikayatin ang huli na puspusang suportahan ang kampanya upang makilala sa buong daigdig ang mga magagandang tourists spots dito.

Halos lahat ng panig ng Bicol region ay may pang-akit sa turista, nguni't iilan lamang ang napupuntahan ng mga turista kaya nanawagan rin ang DOT Bicol sa suporta ng media, mga local na pamahalaan at mga residente para makilala at maisulong ang industriya ng turismo sa rehiyon at sa ganoon ay umunlad ito.

Ang pagtungo sa Malakanyang ng mga regional journalists noong Biyernes ang naghudyat ng isang linggong pagtungo ng Pangulong Arroyo sa Central Philippines Tourism Super Region, isa sa limang growth areas na tinukoy ng pamahalaan sa ilalim ng Super Regions development strategy.

Ang pagdalaw ng Pangulo sa Super Regions ay upang bigyang diin ang mga nagawa sa niya sa nakaraang siyam na taon na siyang isasalin niya sa susunod na Pangulo na siya namang gagawa rin ng iba pang mga bagay.

Ang Central Philippines ang pinupuntahan ng mahigit na 50 porsiyento ng mga turista sa bansa. (MA Loterte, PIA V) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Waray-Waray News: Imbestigasyon ha kuryente ipapabaya ha ERC
»Waray-Waray News: Edukado na an mga botante - Saludo
»Waray-Waray News: Igpasigi an mga palisiya nga epektibo - Nograles
»Waray-Waray News: PGMA mabisita ha Bohol hit Merkoles
»Cebuano News: Palasyo naglantaw og ubang panagang batok sa huwaw
»Cebuano News: Eleksyon sa mayo dili ma-apektahan sa El Nino, matud ni Planas
»Commentary: The known and unknown in automation
»Cebuano News: Super Region Tour ni PGMA ipadayon
»Waray-Waray News: PGMA maatinder han CHED National Games ha Rizal Memorial Sports Complex
»FVR tours Socsargen, refreshes peace in Mindanao
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines