Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/22

Tagalog News: PGMA, kayang-kaya isulong ang "industrial peace"

Legazpi City (22 February) -- Ang paggawa ng mga hakbang tungo sa kabutihan ng manggagawa ang naging daan para mabawasan ang mga aklasan at naging mainam ang samahan ng paggawa-puhunan sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa isisnagawang media briefing sa Lungsod ng Legazpi, Albay noong Sabado, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Charito Planas na ang welga noong 2007, 2008 at 2009 ay bumagsak sa single digit na 6.5 at 4 na walang katulad sa kasaysayan ng paggawa sa bansa.

Salig sa mga record na buhat sa Kagawaran ng Paggawa (DOLE), na ang malaking gusot sa pagitan ng paggawa at puhunan ay mula noong 1986 hanggang 1992 na panunungkulan ng yumaong Pangulong Corazon Aquino na nagkaroon ng 1,846 welga ng 345,765 kawani.

Sa panahon ng Pangulong Fidel Ramos ay naging 573 ang welga at 256,711 ang manggagawang nag-aklas habang sa dalawa at kalahating taon ng dating Pangulong Joseph Estrada ay 139 welga ang naganap at 40,919 ang manggagawang kalahok.

Ang katahimikang industriyal sa panahon ng Pangulong Arroyo ay dahil sa maagap na pagkilos ng Kalihim ng Paggawa upang malutas ag ano mang hidwaan ng paggawa at puhunan kaya hindi humahantong sa aklasan, sabi ni Planas.

Salig sa data mula sa DOLE, mula sa 34.53 milyon noong 2008, tumaas sa 35..47 milyon o naragdagan ng 2.7 porsiyento nang magtatapos ang 2009 na halos isang milyon ang nalikhang trabaho sa loob lamang ng isang taon, sang-ayon kay Planas.

Binigyang diin ni Planas na ang pananatili ng kapayapaang industriyal ay hindi lamang makabubuti sa paggawa at puhunan, kundi magiging daan pa para makaakit ng mga mamumuhunan sa bansa. (MALoterte, PIA V) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Waray-Waray News: Imbestigasyon ha kuryente ipapabaya ha ERC
»Waray-Waray News: Edukado na an mga botante - Saludo
»Waray-Waray News: Igpasigi an mga palisiya nga epektibo - Nograles
»Waray-Waray News: PGMA mabisita ha Bohol hit Merkoles
»Cebuano News: Palasyo naglantaw og ubang panagang batok sa huwaw
»Cebuano News: Eleksyon sa mayo dili ma-apektahan sa El Nino, matud ni Planas
»Commentary: The known and unknown in automation
»Cebuano News: Super Region Tour ni PGMA ipadayon
»Waray-Waray News: PGMA maatinder han CHED National Games ha Rizal Memorial Sports Complex
»FVR tours Socsargen, refreshes peace in Mindanao
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines