Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/23

Tagalog News: Measles outbreak idineklara ng DOH

Manila (23 February) -- Idineklara ng Department of Health (DOH) kamakailan ang measles outbreak sa anim na lugar sa ilang bahagi ng Metro Manila, Southern Tagalog at Mindanao kung saan naiulat na mahigit anim na raan na kaso ng tigdas ang naitala sa taong ito.

Inihayag ni Health Secretary Esperanza Cabral na may kabuuang anim na raan animnapu't siyam (669) na kaso ng tigdas ang naitala mula noong Enero hanggang Pebrero 21 at karamihan sa mga biktima nito ay mga batang nasa edad isang taon hanggang siyam na taong gulang.

Nagpakalat na ang DOH ng mga health workers sa iba't ibang bahagi ng bansa para magsagawa ng malawakang immunization programs laban sa tigdas para maiwasan ang paglaganap ng naturang epidemya.

Paalala ni Cabral sa publiko na ang bakuna sa tigdas ay libre sa mga pampublikong ospital at mga health centers. Maaari na ring pabakunahan ang mga siyam na buwang mga sanggol.

Binigyang-diin din ni DOH National Epidemiology Center Director Eric Tayag na hindi lamang ang pagtaas ng mga kaso ng mga nagkakatigdas tuwing summer season ang naging basehan ng DOH sa pagdeklara ng measles outbreak kundi sa mataas ding bilang ng mga bata sa bansa na hindi nabakunahan laban sa tigdas.

Pinaalalahanan ang lahat na iwasan ang masyadong pagbibilad sa matinding sikat ng araw, at umiwas ding lumagi sa mga matataong lugar para makaiwas sa mga heat-related illnesses gaya ng tigdas. (BD Enestois/PIA12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DA, Gawad Kalinga launch Mindanao 'Bayan-Anihan' project
»RPDEV pushes sustainable tourism development in RP
»9th Musikahan Festival: Rondal-Awit seizes 2nd day
»Davao del Norte eyes expansion of oil palm industry
»Davao Norte employees prepare for earthquakes
»Panabo City intensifies security measures
»P20-M local college building to rise in Kapalong
»Feature: Light and energy for Brgy Southern Davao, Brgy San Vicente
»Compostela Valley sets 4th Gawad Kalinga Bayani Challenge
»Gov't commended for stable peace in ComVal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines