Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/23

Tagalog News: Pagsasabatas sa Minda Bill ikinatuwa ng maraming sektor sa Mindanao

General Santos City (23 February) -- Ikinatuwa ng maraming sektor sa Mindanao ang paglagda noong Meyerkules ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Mindanao Development Bill na ngayo'y kilala bilang Mindanao Development Authority Act of 2010 na naglalayong mapalawig ang ekonomiya ng buong rehiyon ng Mindanao.

Kabilang sa mga sektor na natuwa ay ang mga maliliit na mangangalakal at negosyante na tiyak makakabenipisyo sa naturang batas.

Ayon kay Mindanao Economic Development Council (MEDCo) chair Undersecretary Virgilio Leyretana ang bagong lagdang batas ay isang malaking tulong upang mas mapaigting ang ekonomiya sa Mindanao sa pamamagitan ng pagtatag ng isang ahensya na makikilala sa pangalang MinDA.

Nakapaloob sa MinDA ang rehiyon ng Mindanao at Palawan bilang "focus area" sa partnerships Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) na kasama dito ang Mindanao.

Ipinahayag ni Leyretana na ang MinDA ay magsisilbing opisyal at permanenteng Philippine Coordinating Office para sa BIMP-EAGA.

Kaugnay nito ikinasiya naman ni Deputy House Speaker Simeon Datumanong ang desisyon ng Pangulo. Sinabi nito sa muling pagkakataon ipinakita na naman ng Pangulong Arroyo ang malaking pagmamahal at pagmamalasakit nito para sa mga mamamayan ng Mindanao kaya nararapat lamang aniya na suportahan ng Mindanaons ang naturang ahensya upang magampanan nito ang mga mahalagang gawain at responsibilidad sa pagpapaunlad ng Mindanao.

Si Datumanong ay isa sa mga nangunang may akda sa noon pang panukalang batas sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Kasama ni Datumanong sa bersiyon ng Kongreso ang iba pang "principal authors" na sina Rep. Datu Pax Mangudadatu ng Sultan Kudarat at Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro. Samantalang naging co-authors naman ang 37 pang mambabatas mula sa Mindanao bloc.

Malaki rin ang pasasalamat ni Rep Rodriguez kay Pangulong Arroyo sa pagsasabatas ng MINDA Bill dahil aniya ang bagong batas ay magtatatag ng isang ahensya na Mindanao-wide ang saklaw at magiging daan pa tungo sa malawakang at mabilis na pagunlad ng Mindanao.

Dagdag nito hindi lamang pondo at proyekto ang papalaganapin ng MinDA kundi magsisilbi rin ito bilang makina sa pagsulong ng Mindanao tungo sa kaularan bilang na rin bahagi ng BIMP-EAGA.

Samantala ayon naman kay Usec Leyretana ang pagsasabatas ng MinDA Bill ay makokunsiderang makasaysayan para sa Mindanao dahil ito'y isang senyales ng katapusan ng mahabang paghihintay sa nais ng pagkakaroon ng isang permanenteng Mindanao development agency. (PIA SarGen) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DA, Gawad Kalinga launch Mindanao 'Bayan-Anihan' project
»RPDEV pushes sustainable tourism development in RP
»9th Musikahan Festival: Rondal-Awit seizes 2nd day
»Davao del Norte eyes expansion of oil palm industry
»Davao Norte employees prepare for earthquakes
»Panabo City intensifies security measures
»P20-M local college building to rise in Kapalong
»Feature: Light and energy for Brgy Southern Davao, Brgy San Vicente
»Compostela Valley sets 4th Gawad Kalinga Bayani Challenge
»Gov't commended for stable peace in ComVal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines