Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/26

Tagalog News: El Niņo nakaapekto sa supply ng tubig

General Santos City (26 February) -- Inamin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ang ang matinding init bunsod ng El Niņo phenomenon ay nakaapekto sa supply ng tubig bilang pangunahing "source" ng elektrisidad.

Sinabi ng NGCP na ang "rotational brownouts" na nararanasan sa buong rehiyon ng Mindanao pati na rin sa ibang lugar ay dahil na rin sa kakulangan ng makukunang tubig kaya kanailangan nitong magsagawa ng "load shedding" upang patuloy pa rin ang supply ng kuryente.

Sa ibang dako kumpiyansa naman ang Malakanyang na matutuloy ang eleksiyon ngayong May 10, 2010 bagaman nakakaranas nga ang buong kapuluan ng matinding init at nagiging dahilan pa ng palagiang brownouts.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Charito Planas hindi dapat ikabahala ang palagiang brown-outs dahil pwede naman gumamit ng standby-generators kung sakaling magkaroon ng power failure sa darating na eleksyon.

Sinabi nito na nananatiling kumpyansa ang gobyerno na hindi maapektuhan ang takbo ng halalan ng anumang aberya sa kuryente bunsod ng El Niņo phenomenon.

Sinigurado rin nya na gumagawa ng paraan ang mga otoridad upang mapanatili ang sapat na tubig bilang source ng elektrisidad.

Dagdag pa nito ang power failure ay hindi magiging sagabal sa eleksyon dahil boboto ang mga mamamayan sa pamamgitan ng pag-shade sa balota na tumutugma sa pangalan ng kanilang mga kandidato.

Ang pagbilang lamang ng mga boto, aniya ang magiging "automated" upang sa ganon mapabilis ang takbo ng pagbilang ng napakahalagang boto ng taumbayan.

Nanawagan naman si Deputy Spokesperson Ricardo Saludo sa mga mamamayan na magtipid sa supply ng tubig.

Naniniwala ito na makakayanan ng pamilyang Pilipino ang pamiminsala ng El Niņo kung magtipid ang lahat sa tubig. (PIA SarGen) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOST XI employees train on poll automation
»Feature: Health worker takes proactive approach
»Real estate, retailing top investments in Davao, says SEC
»Air transport registers increase in 2009
»Davao Port X-ray machine is safe, assures DOH
»Pilar CeC gears up to become island ICT hub
»Feature: Montinola info center turns 1
»Algeria CeC: Taking the first steps towards excellence
»BIR Caraga implements 10 strategies to increase revenue in 2010
»Governors, mayors vow to support new KALAHI-CIDSS areas in Caraga Region
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines