Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/26

Tagalog News: DOE maaaring umupa ng power barges para maibsan ang epekto ng El Niņo

Manila (26 February) -- Inihayag ng Department of Energy (DOE) na magtatagal hanggang sa buwan ng Hunyo ang power supply shortage sa Mindanao sanhi ng tagtuyot na dala ng El Niņo phenomenon kung kaya pinag-aaralan ng naturang ahensiya ang posibilidad na umupa ng mga power barges at modular power generation sets.

Inihayag ni Energy Secretary Angelo Reyes sa isang panayam na ang kakulangan ng kuryente sa Mindanao ay umakyat na sa 358 megawatts kaya nagsasagawa na ng mga hakbang ang DOE para maresolba ang problema sa power shortage sa Mindanao. Kabilang na dito ang pag-suplay ng augmentation program na tatampok sa mga kompanyang mayroong labis na kapasidad at hingin sa kanila na magbenta ng mga labis na suplay sa mga nangangailangan nito, paggamit ng mga power barges at modular power generation sets na makukuha sa pamamagitan ng mga lease purchase agreement sa National Power Corporation (NAPOCOR).

Subalit, ayon sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ang NAPOCOR ay hindi pinapahintulutan na pumasok sa anumang kontrata.

Ani Reyes, maaaring i-apela ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nakasaad sa Section 71 ng EPIRA upang pahintulutan ang NAPOCOR na mag-import ng power barges at modular power generation sets bilang agarang solusyon sa power supply shortage sa bansa.

Iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na bumaba ng isang megawatt ang generation deficiency ng Mindanao mula sa 358 megawatts noong Martes na naging 357 megawatts noong Miyerkules. Ang generating capacity nito ay umaabot lamang sa 863 megawatts kumpara sa peak load nito na 1, 220 megawatts bunsod ng patuloy na pagbaba s lebel ng tubig sa mga imbakan. (BD Enestois/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOST XI employees train on poll automation
»Feature: Health worker takes proactive approach
»Real estate, retailing top investments in Davao, says SEC
»Air transport registers increase in 2009
»Davao Port X-ray machine is safe, assures DOH
»Pilar CeC gears up to become island ICT hub
»Feature: Montinola info center turns 1
»Algeria CeC: Taking the first steps towards excellence
»BIR Caraga implements 10 strategies to increase revenue in 2010
»Governors, mayors vow to support new KALAHI-CIDSS areas in Caraga Region
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines