Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/26

Tagalog News: Tubig sa Lake Lanao nasa critical level na; mas mahahabang brownout aasahan

Koronadal City (26 February) -- Mas mahahabang brownouts ang aasahan sa Mindanao sa susunod na mga araw kung hindi maaagapan ang mas lalong pagbaba ng lebel ng tubig sa Lake Lanao, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa buong isla. Ito ay matapos umabot na sa critical level ang tubig ng Lake Lanao sa Lanao del Sur.

Dagdag pa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nanganganib ding mag-shutdown ang dalawang hydroelectric power plant sa nasabing lawa.

Sinabi ni Engr. Pedro Ambos, manager ng Mindanao Generations Planning Division ng NGCP, na bumaba na sa lebel na 699.12 meters ang tubig ng Lake Lanao kahapon.

Ani Ambos, pinangangambahan ng NGCP na mag-shutdown ang Agus 1 at Agus 7 hydroelectric power plants na nag-susuplay ng kuryente sa mga lugar ng Region 10. Paliwanag pa niya, hindi na naaabot ng Agus 1 at Agus 7 power plants ang "average megawatts" sa pag-susuplay ng enerhiya.

Bumaba na ang produksyon ng Agus 1 mula 80 megawatts sa 32 megawatts samantalang ang sa Agus 7 ay bumaba mula 54 megawatts sa 31 megawatts. Ang produksyon ng ibang power plants ay bumaba na rin.

Ang produksyong ng Agus 2 ay bumaba na sa 60 megawatts mula sa 180 megawatts; ang sa Agus 4 ay bumaba na sa 120 megawatts mula sa 158 megawatts; at ang sa Agus 6 ay nasa 141 megawatts na mula sa 200 megawatts. Ang Agus 5 naman ay nananatiling sarado dahil ito ay kasalukuyang kinukumpuni.

Ang produksyon ng Pulangi River River ay bumaba rin mula 255 megawatts sa 135 megawatts.

Dahil dito patuloy ang nararanasang tatlo hanggang anim na oras rotating brownouts sa mga lalawigan sa Mindanao. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOST XI employees train on poll automation
»Feature: Health worker takes proactive approach
»Real estate, retailing top investments in Davao, says SEC
»Air transport registers increase in 2009
»Davao Port X-ray machine is safe, assures DOH
»Pilar CeC gears up to become island ICT hub
»Feature: Montinola info center turns 1
»Algeria CeC: Taking the first steps towards excellence
»BIR Caraga implements 10 strategies to increase revenue in 2010
»Governors, mayors vow to support new KALAHI-CIDSS areas in Caraga Region
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines