Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/26

Tagalog News: Typhoid fever dineklara sa isang barangay sa Alabel, Sarangani

Koronadal City (26 February) -- Dineklara kamakailan ang typhoid fever outbreak sa apat na sitio ng barangay Datal Anggas sa bayan ng Alabel sa lalawigan ng Sarangani.

Ayon kay Dr. Honorato Fabio, municipal health officer ng bayan ng Alabel, kumpirmadong may outbreak ng typhoid fever o tipus sa mga sitio ng Salimama, Sangguya, Ihan, at Glamang ng Barangay Datal Anggas. Dalawa na ang namatay sa lugar dahil sa typhoid fever.

Dagdag pa ni Dr. Fabio, umabot na sa dalawanpu't isa ang suspetsadong kaso ng typhoid fever sa barangay. Apat dito ay kumpirmado na ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) samantalang siyam na kaso pa ang napatunayang positibo pero kailangang kumpirmahin ng RITM.

Paliwanag pa ni Dr. Fabio, ilang residente sa Datal Anggas ang walang mapagkukunan ng malinis na tubig-inumin. Dahil dito ilan sa kanila ay kumukuha ng tubig sa mga sapa na maaring kontaminado ng dumi ng mga hayop sa paligid.

Ang tipus ay sanhi ng bakteryang Salmonella typhi na nakukuha sa pagkain o inuming na kontaminado ng nasabing mikrobyo na kalimitang dala ng dumi ng hayop o tao.

Ang sintomas ng typhoid fever ay ang sumusunod: banayad na pagtaas ng lagnat hanggang 40 degrees Centigrade, labis na pagpapawis, gastro-enteritis, at pagtatae.

Upang maiwasan ang tipus, palagiang maghugas ang kamay; huwag uminom ng tubig at pagkain galing sa hindi ligtas na lugar; kung alanganin sa iinuming tubig pakuluan muna ito ng dalawang minuto; hugasang mabuti ang hilaw na pagkain bago kainin; at panatilihing malinis ang lugar. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOST XI employees train on poll automation
»Feature: Health worker takes proactive approach
»Real estate, retailing top investments in Davao, says SEC
»Air transport registers increase in 2009
»Davao Port X-ray machine is safe, assures DOH
»Pilar CeC gears up to become island ICT hub
»Feature: Montinola info center turns 1
»Algeria CeC: Taking the first steps towards excellence
»BIR Caraga implements 10 strategies to increase revenue in 2010
»Governors, mayors vow to support new KALAHI-CIDSS areas in Caraga Region
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines