Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/26

Tagalog News: PGMA pinangunahan ang LTS campaign ng BIR

Manila (26 February) -- Pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahapon ang taunang Large Taxpayers Service (LTS) campaign ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ginanap sa NBC Tent sa Bonifacio Global City, Taguig, para itaas ang kamalayan ng mamamayan sa kahalagahan ng tamang pagbabayad ng buwis sa tamang oras.

Ito ang unang pagkakataon na dumalo ang Pangulo sa taunang LTS campaign mula nang nagsimula ito noong 1999. Noong 2009, ang LTS ay umabot sa 62 percent ng kabuuang nalikom ng BIR.

Sa taong ito, target ng BIR na makalikom ng P830-billion. Ito ay mahigit kalahati ng kailanganing kita ng pamahalaan para pondohan ang P1.54-trillion national budget.

Pinangunahan din ni Pangulong Arroyo ang paggawad ng membership sa Billionaire's Club ng apat na pinakamalaking taxpayers sa bansa na kinabibilangan ng Manila Electric Company (Meralco), Nestle Phils. Inc. na kabilang sa regular group, San Miguel Corp. (SMC) at Holcim Phils Inc. na kabilang naman sa mga excise group.

Iniulat ni BIR Commissioner Joel Tan-Torres sa Pangulo na lumampas ang BIR sa collection target nito noong December 2009 at January 2010 ng 13 percent at 18 percent, ayon sa pagkakasunod. Noong Disyembre, nakalikom ang BIR ng P68.2 billion na mas mataas kung ikukumpara sa target nitong P60 billion at noong nakalipas na buwan ng Enero, ipinapakita ng preliminary data ng BIR na nakalikom ito ng P63.3 billion na mas mataas din sa P56 billion target nito.

Aniya, ang major thrust ng BIR sa taong ito ay patibayin ang Run After Tax Evaders (RATE) program at paunlarin ang serbisyong publiko sa pamamagitan ng "Handang Maglingkod Project" na ilulunsad ng BIR sa susunod na buwan. (BDEnestois/PIA12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOST XI employees train on poll automation
»Feature: Health worker takes proactive approach
»Real estate, retailing top investments in Davao, says SEC
»Air transport registers increase in 2009
»Davao Port X-ray machine is safe, assures DOH
»Pilar CeC gears up to become island ICT hub
»Feature: Montinola info center turns 1
»Algeria CeC: Taking the first steps towards excellence
»BIR Caraga implements 10 strategies to increase revenue in 2010
»Governors, mayors vow to support new KALAHI-CIDSS areas in Caraga Region
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines