Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 23 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/05

Tagalog News: Acosta, idineklara na ng Comelec na nuisance candidate

Manila (5 March) -- Idineklara ng Commission on Elections (COMELEC) na nuisance candidate si Kilusang Bagong Lipunan (KBL) presidential aspirant Vetellano Acosta.

Ang desisyon ng Comelec en banc ay nag-uutos din ng pag-kansela ng Certificate of Candidacy ni Acosta at ang pagtanggal ng kanyang pangalan sa opisyal na listahan ng mga kandidato para sa pagka-Pangulo.

Ayon sa Comelec, naging mahalagang batayan din sa pag-delist kay Acosta sa roster ng mga Presidential candidates ang hindi nito pagsipot sa pagdinig ng mga petisyon para sa pagdeklara sa kanya bilang nuisance candidate na nauna nang inihain ng kampo ni Liberal Party presidential bet Senator Noynoy Aquino.

Dagdag pa ng Comelec na kung seryoso umano sa kanyang kandidatura si Acosta, dapat nitong sinusunod at hindi binabalewala ang mga kautusang ng Commission.

Kaugnay nito, magiging siyam na lamang ang mga kandidato sa pagka-Pangulo sa darating na May 10, 2010 national automated elections.

Maliban kay Aquino, ito ay kinabibilangan din nina Gilberto Teodoro ng administration coalition, Manuel Villar Jr. ng Nationalista Party, Joseph Estrada ng Partido ng Masang Pilipino ?Richard Gordon ng Bagong Bayan, Eduardo Villanueva ng Bangon Pilipinas, at ng mga independent candidates na sina Jamby Madrigal, Jesus Nicanor Perlas, at Juan Carlos delos Reyes. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Burma women join Manila march
»3rd Bulawan Festival kicks off
»Mati City gets brand new fire truck
»DTI-XI official denies banana farmers drowning in debts
»Power utility firm urges power conservation
»Green group to share energy-saving lifestyle
»BIR awards top taxpayers in Region XI
»New Zealand reaffirms commitment to peace, dev't of Caraga
»Mindanao young leaders to convene 3rd parliament
»PNP launches hot pursuit operation against Sarangani jail escapee
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines