Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 25 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/05

Tagalog News: Comelec maglalagay ng polling precincts sa mga bilangguan

Manila (5 March) -- Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas, maglalagay ng special polling precincts ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga detention cells na mayroong mahigit isandaang inmates upang ang mga ito ay makaboboto sa darating na May 10, 2010 elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento ang mga detention cells na ang mga inmates ay hindi aabot sa isang-daan ay kinakailangang mag-apply sa Korte para sa ?escorted voting? sa mga regular na mga polling centers.

Ang paglalagay ng mga special polling precincts sa mga detention facilities na pangungunahan ng Special Board of Election Inspectors ay naglalayong itaguyod ang mga karapatang bumoto ng mga bilanggo.

Ayon kay Sarmiento, napagdesisyunan ng Comelec na maglagay ng polling precincts sa mga bilangguan upang mabawasan ang pahirap sa Bureau of Jail Mangement and Penology (BJMP) at sa Bureau of Corrections lalo na sa pagbibigay ng escorts sa lahat ng mga detainees sa araw ng Halalan.

Kasalukuyan na ring inaayos ng Comelec at ng Commission on Human Rights (CHR) ang proseso upang ang mga inmates na mayroong nakapending na mga kaso sa Korte ay maaaring bumoto sa darating na halalan.

Batay sa talaan ng BJMP, mahigit limampung-libong (50,000) detainees sa buong bansa ang kasalukuyan pang dinidinig ang kaso, subalit dalawampu't-tatlong libo anim-na-raan limampu't-pitong (23,657) lamang ang naka-rehistro para sa May elections. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Burma women join Manila march
»3rd Bulawan Festival kicks off
»Mati City gets brand new fire truck
»DTI-XI official denies banana farmers drowning in debts
»Power utility firm urges power conservation
»Green group to share energy-saving lifestyle
»BIR awards top taxpayers in Region XI
»New Zealand reaffirms commitment to peace, dev't of Caraga
»Mindanao young leaders to convene 3rd parliament
»PNP launches hot pursuit operation against Sarangani jail escapee
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines