Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 23 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/15

Tagalog News: Women's Month ipinagdiwang sa Batangas

Batangas City (15 March) -- Ipinagdiwang kamakailan ang Womens Month celebration na ginanap sa Provincial Capitol Grounds, Batangas City.

Ang nasabing pagdiriwang na may temang "Babae tagumpay ka ng bayan" ay pinangunahan ng Governor Vilma santos Recto kasama ang lahat ng kababaihan sa apat na distrito ng Batangas.

Nag-umpisa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng aerobics competition ng bawat distrito at kung saan nanguna sa larangang ito ang mga kababaihan ng ika-4 na distrito.

Sinundan ito ng isang misa na ginanap sa Marble Terrace, Provincial Capitol Compound, Batangas City.

Nagsilbing panauhing pandangal Si Viel Aquino-Dee,anak ni dating Pangulong Corazon-Aquino kung saan binigyang-diin nya ang kahalagahan ng mga kababaihan at ang kayang gawin nito sa makabagong panahon. Ginawa nyang halimbawa ang mga nagawa ng kanyang namayapang ina at sinabing hangad nya na masundan nilang magkakapatid ang mga nagawa nito hindi lamang para sa pamilya kundi maging sa ibang tao at sa bayan.

Binigyang-diin naman ni Governor Vilma Santos Recto na nararapat bigyang-pugay ang mga kababaihan sapagkat sila ang tagumpay sa likod ng bawat kalalakihan.

Aniya pa, ang pagiging babae at pagiging ina ang isa sa pinakadakilang propesyon sa buong mundo.

Sinabi pa nito, na dapat ding magpasalamat sa pagkapasa ng Magna Carta for Women na kumikilala sa karapatan at katayuan ng mga kababaihan sa lipunan. Ito ay susi upang ang pantay na karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan ay maipakita. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanao leaders urge immediate release of P10-B calamity fund
»6 of 10 Caraganons hooked into illegal gambling 'Swertres' - study
»AusAID projects beef up Northern Mindanao port operations
»Hiligaynon News: Pagpasakop sa Earth Hour ginhingyo
»Hiligaynon News: Obligasyon sa pagbayad sang buhis ginpahanumdom sang BIR
»Maasin boxing fans exited early in latest Pacquiao triumph
»Waray-Waray News: Pagpadukwag han edukasyon, teknolohiya gintatagan duon han nabibilin nga termino ni PGMA
»Waray-Waray News: Malakanyang, abre han suhestyon nga magpadara hin observers an US ha pinili-ay
»Cebuano News: PGMA nagtutuk sa kalamboan sa edukasyon ug teknolohiya sa nahibiling bulan sa iyang termino
»Earthquake shakes Tandag City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines