Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/15

Tagalog News: Programang pangkalusugan, pang-edukasyon at pambarangay, inihatid ni Gob Arnan sa Bulalacao

Calapan City (15 March) -- Mga proyektong pangkalusugan, pang-edukasyon at pambarangay ang inihatid ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa Bulalacao, ang pinakadulo at pinakamalayong bayan sa Oriental Mindoro.

Marso 5 nang ibaba ng administrasyong Panaligan ang isa sa pinakamahahalagang programang pangkalusugan nito para sa 15 barangay ng Bulalacao. Dalawang libo, limang daan at walumpu't limang (2,585) health insurance cards ang ipinagkaloob ni Gobernador Arnan sa ilalim ng kanyang Philhealth Para sa Masa.

Ang Philhealth Para sa Masa ay isa sa mga programa ng pamunuan ni Gobernador Arnan na itinuturing na pinaka-epektibo at tunay at direktang sumasagot sa pangangailangan ng mamamayan.

Napakaraming bilang na ang natulungan ng programa na mga nagpapatunay na sadyang malaki ang naitutulong nito partikular sa mahihirap na pamilya. Sina Ginang Myrna Pajarillon ng Barangay Cambunang at Imelda Malla ng Barangay San Isidro ay karagdagan ngayon sa bilang ng nagpapasalamat kay Gobernador Arnan sa malaking tulong sa kanila ng Philhealth. Ang anak ni Aling Myrna ay na-ospital at sinalinan pa ng dugo dahil sa malaria. At sa mahigit P20,000 bayarin nila sa ospital, humigit-kumulang umano sa P10,000 ang ibinawas ng health insurance. Na-pulmonya naman ang anak ni Aling Imelda at 10 araw itong na-confine kaya't umabot sa P15,000 ang kailangang bayaran subalit nabawasan ito ng P8,000.

Ang mga karanasang ito ng kanyang mga kababayan ang pangunahing dahilan ni Gobernador Arnan upang higit na itaguyod ang programa.

Bukod sa programang pangkalusugan, inilihad rin ng gobernador ang iba pang mahahalagang proyekto ng kanyang pamunuan kabilang ang pagpapatayo ng mga bagong ospital, programang pangkabuhayan, skills trainings, proyektong pang-imprastraktura, pang-agrikultura at iba. Ipinahayag din ng gobernador ang isa sa mga mahahalagang programa ng pamahalaan na ipinatutupad sa kasalukuyan.

Ito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaang nasyunal kung saan isa ang bayan ng Bulalacao, kasama ang bayan ng Bongabong, sa mga kasalukuyang benepisyaryo. Tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya na tinukoy ng mga ahensya ng pamahalaan. "Isa ito sa mga paraan upang maibalik ang buwis na ibinabayad ng mamamayan," ayon sa gobernador.

Ang mga proyekto ni Gobernador Arnan para sa kanyang bayan ay kinilala at pinasalamatan ni Mayor Ernilo C. Villas. Milyun-milyong piso ang halaga ng mga proyekto ng administrasyong Panaligan sa Bulalacao kabilang ang suportang pinansyal sa mga samahan, pagpapailaw sa ilang mga pamayanan, pagsasaayos ng ilang mga kalsada, pagtataguyod ng seaweeds farming, fish cage culture o mariculture, pagsuporta sa fish port, paglalaan ng malinis na tubig sa mga barangay.

"Kahit po malayo ang bayan ng Bulalacao, kami po ay lubos na natutuwa na kami ay nadadalaw ng ating mahal na gobernador. Sa ngalan ng aking mga kababayan dito sa Bulalacao, kami ay nagpapasalamat sa napakarami nang proyektong naibaba dito sa amin ni Governor Arnan," ayon kay Mayor Villas.

Ang balanseng mga proyektong pangkaunlaran ng administrasyong Panaligan at maayos na implementasyon ng mga ito ay suportado ni Calapan City Vice-Mayor Rafael L. Infantado at tiniyak niyang ang mga programang ito ay kanyang higit na itataguyod ngayong siya ay piliin ni Gobernador Arnan na tumakbo bilang kanyang bise-gobernador.

Ang kahalagahan ng mga programa ng administrasyong Panaligan sa pagpapabuti ng buhay ng mga Mindoreņo ay kanilang kinikilala kung kaya't tumatakbo bilang mga bokal sa partido ni Gobernador Arnan sina Bokal Ferdinand Thomas Soller, Roxas Municipal Councilor Joy Solabo, Gloria Municipal Councilor Cris Bawasanta, Engr. Martin Buenaventura at BOCOFAMCO Chairman Rene Malaluan.

Samantala, kinuha na rin ni Gobernador Arnan ang pagkakataon upang makipagdalayalogo sa mga mamamayan ng Sitio Lambok ng Barangay Maujao na isa sa mga pinakaliblib na barangay ng Bulalacao.

Dito ay ipiaabot ng gobernador ang mga kasalukuyang programa ng pamahalaang panlalawigan na inilalaan para sa lahat ng mga mamamayan sa buong lalawigan.

Matapos ito, pinangunahan naman ng gobernador, ang pagpapasinaya sa 3-classroom school building na kanyang ipinagawa sa San Roque National High School.

Ang Gov. Arnan C. Panaligan model school building ay naipatapos ng pamahalaang panlalawigan sa laang pondong humigit-kumulang sa P1M.

Sa maikling programa para sa pormal na pagpapasinaya, binigyang-diin ni Gobernador Arnan na prayoridad ng kanyang pamunuan ang mga programang pang-edukasyon sapagkat kanyang kinikilala na ang edukasyon ay ang pinakamabisang sandata upang malabanan ang kahirapan at mapabuti ang kinabukasan.

Iisa ang naging pasasalamat sa pagkakaloob ng proyekto ang ipinaabot nina Principal John Fajilagutan at School Governing Council Chairman Juaben Fajilagutan.

Sa okasyon, pormal ring itinurn-over ni Gobernador Arnan kay Kapitana Nympha Fajutnao ang health insurance cards para sa kanyang 394 na mga kabarangay). Bukod dito, dala rin ng gobernador ang hiniling na jetmatic pumps ng barangay. Nauna namang naipagkaloob na ni Gobernador Arnan sa barangay FARMC na kinatawan ni Jimmy Magbanua ang suportang pinansyal para sa pagbili nila ng patrol boat.

Nakiisa rin sa mahalagang okasyon at pormal na nagpahayag ng kani-kanilang pagnanais na makapaglingkod sa lahat ng bayan sa ikalawang distrito sina Gloria Municipal Councilor Cris Bawasanta, Engr. Martin Buenaventura at BOCOFAMCO Chairman Rene Malaluan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanao leaders urge immediate release of P10-B calamity fund
»6 of 10 Caraganons hooked into illegal gambling 'Swertres' - study
»AusAID projects beef up Northern Mindanao port operations
»Hiligaynon News: Pagpasakop sa Earth Hour ginhingyo
»Hiligaynon News: Obligasyon sa pagbayad sang buhis ginpahanumdom sang BIR
»Maasin boxing fans exited early in latest Pacquiao triumph
»Waray-Waray News: Pagpadukwag han edukasyon, teknolohiya gintatagan duon han nabibilin nga termino ni PGMA
»Waray-Waray News: Malakanyang, abre han suhestyon nga magpadara hin observers an US ha pinili-ay
»Cebuano News: PGMA nagtutuk sa kalamboan sa edukasyon ug teknolohiya sa nahibiling bulan sa iyang termino
»Earthquake shakes Tandag City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines