Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/15

Tagalog News: Mga plano kontra El Niņo

Calapan City (15 March) -- Binigyang-direktiba ni Gobernador Arnan C. Panaligan ang lahat ng mga konsernadong ahensya at sangay ng pamahalaan na magtulungan at maglatag ng mga epektibong pamamaraan upang mabawasan o maresolba ang masaang epektong idinudulot ng El Niņo na nanalasa, hindi lamang sa iba't ibang panig ng Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa sa buong mundo.

Ito ang pinakabuod ng pagpupulong na ipinatawag ni Gobernador Arnan sa Kapitolyo noong Marso 2 at dinaluhan ng mga kinatawan ng iba't ibang tanggapan ng pamahalaan.

"Napapanahon at mahalaga itong meeting na ito in the light of what we are experiencing dito sa ating probinsya. Itong El Niņo is affecting the entire country including na rin ang Oriental Mindoro. Mas maswerte pa rin tayo kaysa sa ibang probinsya lalo na sa Northern o Southern Luzon, nevertheless mayroon din itong epekto sa atin at naririnig ko sa mga report sa field especially sa ating agricultural sector, dapat lagi tayong handa sa nararanasang ito at hindi natin masasabi kung hanggang kailan ito, at hindi natin masasabi ang extent ng El Niņo sa atin," pambungad na pahayag ni Gobernador Arnan.

Batay sa ulat ni Calapan PAG-ASA Meteorological Officer Ferdinand Valdeavilla, hindi na rin pangkaraniwan ang init na nararamdaman sa lalawigan patunay na unti-unti na ring naapektuhan ng global phenomenon ang Oriental Mindoro na sa pagtatasa ng PAGASA ay maaaring tumagal hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Dahil sa hindi na ito maiiwasan, pinaghahanda ng Gobernador ang mga direktang apektado ng tagtuyot partikular ang sektor ng agrikultura. Kaugnay nito, ipinabatid ni Provincial Agriculturist Jaime G. Nuevas, Jr. na nakapagbalangkas na ang kanyang tanggapang ng isang plano upang mabawasan ang epekto ng El Niņo sa sakahan at pangisdaan. Kasama rito ang pagsusumite ng kahilingan sa Department of Agriculture (DA) para sa shallow tube wells at mga binhing pananim bilang alalay sa mga magsasaka.

"As far as the agricutural sector is concerned, pinaka-vulnerable ito at direktang maapektuhan ng El Niņo. May ginawa ng mitigation plan ang Provincial Agricuturist Office, nag-come up na sila ng mga action points o action plan na dapat gawin para ma-mitigate o maka-respond tayo sa negative effects ng El niņo sa agricultural production," ayon pa sa gobernador.

Kaugnay pa rin nito, inihayag din ni Gobernador Arnan na mayroong multi-milyong pisong pondo ang Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research (SEARCA) na nakalaan para sa focused-food production assistance to vulnerable sectors. Humigit-kumulang sa P30 M ang pondong nailaan ng nasabing programa para sa Oriental Mindoro.

Samantala inatasan na ng Gobernador ang iba't ibang sektor na i-monitor ang kanilang mga nasasakupan at gawin ang lahat upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga ito.

Siniguro naman ni Gobernador Arnan na gagawin ng kanyang pamunuan katuwang ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan na matugunan ang mga suliranin sa negatibong epekto ng El Nino sa lalawigan.

Mensahe naman ng Gobernador, "tayo'y dapat na maging responsableng mamamayan upang ang ganitong mga pagsubok sa buhay ay malampasan at sinegurong bukas ang kanyang tanggapan upang makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangang Mindoreņo."

Ayon naman kay National Irrigation Administration (NIA) Engineer Wilfredo Balauro, sapat naman ang suplay ng tubig para sa irigasyon ng mga magsasaka sa kasalukuyan.

Siniguro rin ng National Food Authority na sapat rin ang suplay ng bigas sa lalawigan.

Nagbabala naman si Provincial Health Officer Dr. Normando Legazpi na ang matinding init ay maaaring maging sanhi ng iba't ibang sakit tulad ng tigdas, heat stroke at iba pa kung kaya't ipinapayo nila ang ibayong pag-iingat.

Bukod sa mga naunang ahensya partikular na nagbaba ng direktiba si Gobernador Arnan kay Provincial Social Welfare and Development Officer Teresita Umbao na i-monitor at alamin ang mga apektadong lugar at bigyan ng kagyat na aksyon sa tulong na rin ng ibang konsernadong ahensya.

Isang information campaign naman ang pinangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig.

Maliban sa mga naturang ahensya kaagapay din ng pamahalaang panlalawigan sa paglutas ng suliranin ang mga ahensya ng Department of Education, Bureau of Fire Protection, National Power Corporation, Oriental Mindoro Electric Cooperative, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at Department of Science and Technology. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanao leaders urge immediate release of P10-B calamity fund
»6 of 10 Caraganons hooked into illegal gambling 'Swertres' - study
»AusAID projects beef up Northern Mindanao port operations
»Hiligaynon News: Pagpasakop sa Earth Hour ginhingyo
»Hiligaynon News: Obligasyon sa pagbayad sang buhis ginpahanumdom sang BIR
»Maasin boxing fans exited early in latest Pacquiao triumph
»Waray-Waray News: Pagpadukwag han edukasyon, teknolohiya gintatagan duon han nabibilin nga termino ni PGMA
»Waray-Waray News: Malakanyang, abre han suhestyon nga magpadara hin observers an US ha pinili-ay
»Cebuano News: PGMA nagtutuk sa kalamboan sa edukasyon ug teknolohiya sa nahibiling bulan sa iyang termino
»Earthquake shakes Tandag City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines