Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 16 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/15

Tagalog News: Higit na pag-unlad ng Pinamalayan, hangad ni Gobernador Arnan

Calapan City (15 March) -- Nasa gitnang bahagi ng lalawigan, ang bayan ng Pinamalayan ang itinuturing na isa sa pinakamauunlad na bayan ng Oriental Mindoro. Dahilan upang maghangad ang mga mamamayan nito, na makilala ang Pinamalayan bilang ikalawang lungsod sa lalawigan.

Sa hangaring ito, buo ang pagsuporta ni Gobernador Arnan. Naniniwala siyang ang pagiging isang ganap na lungsod ng isang bayan ang hudyat ng mabilis na pag-unlad nito at ng mga mamamayang nasasakupan nito.

Sa pagtitipon ng mga mamamayan ng Pinamalayan sa Bali Beach sa bayan ng Gloria noong Marso 6, muling ipinahayag ng Gobernador ang hangarin niyang matupad ang pangarap ng mga taga-Pinamalayan na sundan ang mga yapak ng Calapan bilang isang ganap na syudad.

Binigyang-diin ng Gobernador sa pagpupulong na "Ako lamang ang nag-iisang punumbayan sa Oriental Mindoro na may karanasan na magtatatag ng isang lungsod. Bago matapos ang termino ko noon bilang Mayor ng Calapan noong 1998, lungsod na ang Calapan. At ngayon, kita nyo naman, naging maunlad ang Lungsod ng Calapan pero papaano ko ginawang lungsod ang Calapan? Inayos ko muna ang dapat ayusin, ang mga pangunahing serbisyong panlipunan. At iyan dapat ang gawin dito sa Pinamalayan. Kailangang ayusin muna, iyong basics, mga pangunahing serbisyo, tubig, kuryente, ospital, at iba pa. Iyan ang ginawa ko. At nung nakalatag na ang plano, tsaka ko ikinasa ang pagiging Lungsod ng Calapan."

Nakibahagi sa gawain si SEC Commissioner Tady Venturanza na naghahangad maglingkod bilang kinatawan ng ikalawang distrito sa Kongreso ng Pilipinas. Nakiisa rin dito si Atty. Jun Buenaventura na nagnanais namang maging bahagi ng pag-unlad ng Pinamalayan bilang punumbayan nito. Dumalo rin sa pagtitipon sina Bokal Butch Soller, Roxas Councilor Joy Solabo, Gloria Councilor Cris Bawasanta, Engr. Butch Buenaventura at BOCOFAMCO Chairman Rene Malaluan na pawang naghahangad makapaglingkod bilang mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan para sa ikalawang distrito. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanao leaders urge immediate release of P10-B calamity fund
»6 of 10 Caraganons hooked into illegal gambling 'Swertres' - study
»AusAID projects beef up Northern Mindanao port operations
»Hiligaynon News: Pagpasakop sa Earth Hour ginhingyo
»Hiligaynon News: Obligasyon sa pagbayad sang buhis ginpahanumdom sang BIR
»Maasin boxing fans exited early in latest Pacquiao triumph
»Waray-Waray News: Pagpadukwag han edukasyon, teknolohiya gintatagan duon han nabibilin nga termino ni PGMA
»Waray-Waray News: Malakanyang, abre han suhestyon nga magpadara hin observers an US ha pinili-ay
»Cebuano News: PGMA nagtutuk sa kalamboan sa edukasyon ug teknolohiya sa nahibiling bulan sa iyang termino
»Earthquake shakes Tandag City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines