Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/15

Tagalog News: Serbisyong panlipunan, hatid sa mga katutubong Mangyan

Calapan City (15 March) -- Ang paghahatid ng mga proyektong pangkaunlaran kahit sa pinakamalalayong barangay at sityo sa lalawigan ay naging panuntunan na ng pamunuan ni Gobernador Arnan C. Panaligan.

Marso 6 nang bisitahin ni Gobernador Arnan ang mga katutubong Mangyan ng Sitio Lamak, Barangay Manaul, sa bayan ng Mansalay.

Mga katutubong Hanunuo mula sa 10 sityo ng barangay ang nakilahok sa noo'y kasalukuyang isinasagawang sports fest na inisponsoran ng pamunuan ni Gobernador Arnan.

Sa gawain, ibinigay ni Gobernador Arnan ang insurance cards ng 71 benepisyaryo ng kanyang programang PhilHealth Para sa Masa, sa pamamagitan ni Kapitana Rose Rickenbach.

Pagkatapos ng maikling programa, pinangunahan nina Gobernador Arnan, Kapitana Rose, saksi si Don Pedro Brgy. Capt. Allan Favila, at mga opisyal at mamamayan ng barangay, ang simpleng ribbon cutting ceremonies para sa bahay pulungan na naipatayo sa tulong ni Gobernador Arnan.

Sa mga naitulong ni Gobernador Arnan sa kanilang barangay, taus-pusong pasasalamat ang paabot ni Kapitana Rose.

Naging pagkakataon din ang gawain upang makamusta ng Gobernador ang kanyang mga nasasakupan sa dulong bahaging ito ng lalawigan.

Dito, ipinahayag niya ang mga proyekto ng kanyang pamunuan sa mga mag-kakaratig na barangay ng Manaul, Don Pedro at Budburan. Kabilang sa mga proyektong naipagkaloob ni Gobernador Arnan sa mga nabanggit na barangay ay ang pagpapasemento n mga kalsada papasok sa Sitio Lamak ng Manaul, pagkakaloob ng mahigit P200,000 halaga ng PE pipes, proyektong streambank rehabilitation ng ilog sa nabanggit pa ring barangay kung saan nagkaloob ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng ENRO, ng mga tanim na kawayan at forest trees samantalang mangrove rehabilitation project naman ang isa sa mga proyektong naibinigay na sa Brgy. Budburan kung saan namahagi ang ENRO ng 12,778 bakawan propagules.

Ayon pa sa Gobernador, nakatakda pang mamamahagi ang kanyang pamunuan sa mga barangay ng mga binhing gulay at pananim gayundin ang pagsasagawa ng irigasyon o sistema ng patubig para sa mga magsasaka ng lugar at ang pagbibigay ng alternatibong gawaing pangkabuhayan sa mga taga-rito, partikular sa mga magniniyog, sa ilalim ng Provincial Coconut Integrated Rehabilitation and Development Program. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanao leaders urge immediate release of P10-B calamity fund
»6 of 10 Caraganons hooked into illegal gambling 'Swertres' - study
»AusAID projects beef up Northern Mindanao port operations
»Hiligaynon News: Pagpasakop sa Earth Hour ginhingyo
»Hiligaynon News: Obligasyon sa pagbayad sang buhis ginpahanumdom sang BIR
»Maasin boxing fans exited early in latest Pacquiao triumph
»Waray-Waray News: Pagpadukwag han edukasyon, teknolohiya gintatagan duon han nabibilin nga termino ni PGMA
»Waray-Waray News: Malakanyang, abre han suhestyon nga magpadara hin observers an US ha pinili-ay
»Cebuano News: PGMA nagtutuk sa kalamboan sa edukasyon ug teknolohiya sa nahibiling bulan sa iyang termino
»Earthquake shakes Tandag City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines