Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 19 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/15

Tagalog News: Oriental Mindoro, makikiisa sa Earth Hour 2010

Calapan City (15 March) -- Makikiisa ang lalawigan ng Oriental Mindoro sa Earth Hour 2010 bilang pagtugon sa panawagan ng sama-samang pagkilos upang mabawasan ang epekto ng global warming sa mundo.

Dahil dito, nananawagan ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Arnan sa lahat ng mamamayang Mindoreno sa iba't ibang bayan at pamayanan, na magpatay ng lahat ng de-kuryenteng kagamitan sa mga tahanan at establisyamento sa Marso 27 sa loob ng isang oras simula alas 8:30 ng gabi. Ito ay bilang pagtugon at pakikiisa ng lalawigan sa bilyong mamamayan sa buong mundo para sa sama-samang pagkilos sa araw na ito upang mabawasan ang antas ng greenhouse gases sa kalawakan at makontrol ang matinding epekto ng climate change.

Sa araw na ito, kikilos ang mahigit sa isang bilyong mamamayan sa buong mundo ay magmumula sa mahigit 6,000 lungsod, at bayan mula sa iba't ibang establisyamento, at maging ng mga nasa pamahalaan at pamayanan. Ito ay bilang isang makapangyarihang mensahe ng mga mamamayan sa iba't ibang bansa sa mundo kabilang na ang Pilipinas sa adhikaing mabawasan ang greenhouse gases na nililikha ng carbon dioxide mula sa iba't ibang mapanirang gawain ng mga tao.

Nang nakaraang taon, nanguna ang Pilipinas sa tala ng may pinakamalaking bilang ng nakiisa sa Earth Hour. Mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao, may 647 local government units at mga pribadong komunidad sa bansa ang nagpatay ng mga kagamitan at gusaling gumagamit ng kuryente. Ngayong taon, inaasahan ang pakikiisa ng may 15 milyong mamamayang Filipino sa naturang gawain. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanao leaders urge immediate release of P10-B calamity fund
»6 of 10 Caraganons hooked into illegal gambling 'Swertres' - study
»AusAID projects beef up Northern Mindanao port operations
»Hiligaynon News: Pagpasakop sa Earth Hour ginhingyo
»Hiligaynon News: Obligasyon sa pagbayad sang buhis ginpahanumdom sang BIR
»Maasin boxing fans exited early in latest Pacquiao triumph
»Waray-Waray News: Pagpadukwag han edukasyon, teknolohiya gintatagan duon han nabibilin nga termino ni PGMA
»Waray-Waray News: Malakanyang, abre han suhestyon nga magpadara hin observers an US ha pinili-ay
»Cebuano News: PGMA nagtutuk sa kalamboan sa edukasyon ug teknolohiya sa nahibiling bulan sa iyang termino
»Earthquake shakes Tandag City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines