Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/15

Tagalog News: Napocor ipinatigil ang mga hyrdroelectric turbines ng Agus plant

by BD Enestois

Koronadal City (15 March) -- Ipinatigil ng National Power Corporation (Napocor) ang ilang mga hydroelectric turbines ng Agus plants sa Lake Lanao na siyang pinagkukunan ng kuryente sa Mindanao at Pulangi 4 ng Maramag, Bukidnon dahil sa bumaba na sa kritikal na lebel ang tubig doon.

Inihayag ni Pedro Ambos, officer in-charge ng operations and planning division ng NPC, na napagdesisyunan ng kompanya na pansamantalang i-turn off ang mga turbines para makaipon ng tubig at para maiwasan na masira ang mga ito.

Matatandaang isiniwalat ni Engr. Noli Namocatcat, corporate manager ng Agusan del Norte Electric Cooperative (ANECO) na dalawang sentimetro araw-araw ang ibinababa ng lebel ng tubig sa Lake Lanao na naging dahilan ng sapilitang pag-shutdown ng kooperatiba sa mga turbines.

Pansamantala ring itinurn-off ang mga turbines sa Lanao del Norte na naging dahilan upang makaranas ng apat na oras na brownout ang mga lugar na sakop ng Lanao del Norte Electric Cooperative (Laneco).

Aasahan din ang mga mamamayan ng Cagayan de Oro ang mas mahabang oras na brownout at maging total blackout sa lalawigan sakaling lalala pa ang power situation.

Ang total blackouts ay naiskedyul na rin sa ibang lugar sa Central Mindanao at umaabot ng walo hanggang labing-dalawang oras ang rotating brownouts sa ilang pang lugar dito.

Matatandaang idineklara ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang state of calamity sa Mindanao dahil sa malalang problema sa kuryente.

Ang pagdeklara ng state of calamity sa lalawigan ang nagbigay daan upang gamitin ng local government units (LGUs) ang calamity funds na gagamitin para mapigilan ng epekto ng power crisis sa Mindanao. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanao leaders urge immediate release of P10-B calamity fund
»6 of 10 Caraganons hooked into illegal gambling 'Swertres' - study
»AusAID projects beef up Northern Mindanao port operations
»Hiligaynon News: Pagpasakop sa Earth Hour ginhingyo
»Hiligaynon News: Obligasyon sa pagbayad sang buhis ginpahanumdom sang BIR
»Maasin boxing fans exited early in latest Pacquiao triumph
»Waray-Waray News: Pagpadukwag han edukasyon, teknolohiya gintatagan duon han nabibilin nga termino ni PGMA
»Waray-Waray News: Malakanyang, abre han suhestyon nga magpadara hin observers an US ha pinili-ay
»Cebuano News: PGMA nagtutuk sa kalamboan sa edukasyon ug teknolohiya sa nahibiling bulan sa iyang termino
»Earthquake shakes Tandag City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines