Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/16

Tagalog News: Malakanyang: Panuntunan ng NHI sa pag-awit ng Lupang Hinirang, dapat sundin

Manila (16 March) -- Dahil sa sumablay na pagkanta ni Arnel Pineda ng Lupang Hinirang sa laban ni People?s Champ Manny Pacquiao laban kay Clottey noong linggo, muling nagpa-alala ang Malakanyang na dapat sundun ang guidelines o tuntunin na ipinalabas ng National Historical Institute (NHI) sa tamang pag-awit ng pambansang awit.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Gary Olivar na nabahala na ang NHI sa patuloy sa paglabag ng mga patutunan ng Pambansang Awit na nakapaloob sa Republic Act 8491, the Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Ayon pa kay Olivar, ipinauuubaya ng Palasyo sa NHI na timbangin ang kanilang obserbasyon sa nasabing maling pagkanta ni Pineda.

Samantala, sinabi ni Senior History Researcher Teodoro Atienza, pinuno ng Heraldry Section ng NHI na isusumite nila sa NHI Board ang kanilang mga nakalap na obserbasyon, kabilang ang video, upang makabuo ng desisyon kung dapat kasuhan si Pineda sa Department of Justice (DOJ) ng paglabag sa Republic Act 8491 na nagsasaad na dapat sa simula hanggang sa katapusan ng awit, kinanta ito base sa orihinal na bersyon ni Julian Felipe o kantahin ito sa natural nitong tempo na isang marching song.

Ayon pa kay Atienza, hindi raw nila naiintindihan kung bakit di kinanta ng tama ni Pineda ang pambansang awit gayung pinadalhan nila ito ng sample CD ng Lupang Hinirang at pinaalalahanan sa tamang rendition nito.

Kapag napatunayang lumabag si Pineda, posibleng makulong ito ng hanggang isang taon at multa na mula P5 libo hanggang P20 libo. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»BIR to pursue high visibility awareness campaign ? Commissioner Tan-Torres
»SSS condones penalties on unremitted contributions by employers
»Feature: Bahay ni Sto. Tomas, a haven for unwanted pregnancies
»CTFRB conduct seminar for Tagum tricycle drivers
»Local terrorists murder mine worker, abduct siblings in Comval
»Doctors push for mercury ban in health care
»500 Project REY scholars recognized
»Cagayan de Oro to host 19th Mindanao business conference
»Women sector pushes IEC on global warming
»Panabo to stage bangus-grill
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines