Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/23

Tagalog News: Mga residente at lumad binarikadahan ang daan patungong Mt. Apo geothermal plant

Koronadal City (23 March) -- Binarikadahan kahapon ng mahigit dalawang daang residente at mga lumad sa mga barangay malapit sa Mt. Apo Geothermal Plant at mga residente galing sa Kidapawan City ang daan paakyat sa power plant sa Sitio Agko, Ilomavis para ipaabot ang kanilang kahilingan sa National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) na itigil na ang brownout sa North Cotabato.

Hiniling din ng mga nagbabarikada na ibigay na sa lalawigan ang 35-megawatt na power requirement nito bilang host ng dalawang geothermal plants sa lugar.

Ayon kay Eduardo Umpan, chairman ng Barangay Balabag at pinuno ng Bagobo tribe sa lugar, ang walong oras na brownout na kanilang naranasan araw-araw ay lubhang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay. Ang masaklap umano, nasa kanilang ancestral domain ang pinagkukunan ng kuryente.

Binasa ni Umpan ang kanilang demands na kinabibilangan ng sumusunod: access sa 35 megawatt power para sa North Cotabato, implementasyon ng 1993 Memorandum of Agreement para sa proteksyon ng Mt. Apo National Park, at pagpapaliwanag ng pamahalaan kung bakit ipinagbili ang geothermal plant sa isang pribadong kompanya.

Simula noong March 17 umiksi na ang power outages sa lugar na siniserbisyuhan ng Cotabato Electric Cooperative ng hanggang dalawang oras matapos inutos ni Gil Cesar, manager ng Mindanao B Marketing and Commercial Relations ng National Power Corporation sa isang memorandum na ibigay dito ang dalawampu?t limang porsiyento ng produksyon ng geothermal power plant.

Mayroon ng 26 megawatts na supply ng kuryente ang area ng Cotelco pero kulang pa rin ito 11 megawatts. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Army completes P4.5M road project in Davao Sur
»TUCP pushes for HIV and AIDS prevention at the workplace
»BFP notes increase in Fire Code revenue collection
»Areas in 2 Davao Norte towns placed under election watchlist
»Covenant signing between Davao del Norte pols held
»WB to assess impacts of antipoverty program in Mindanao
»Rural sectors curious about climate change
»Run-for-Water Davao event set
»Davao City Council open to watershed amendments
»Davao Oriental ready for May 2010 census of poulation and housing
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines