Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/25

Tagalog News: Internet connectivity ng 56 pampublikong paaralan sa South Cotabato

Koronadal City (25 March) -- Mahigit limampu't-anim (56) na mga pampublikong mataas na paaralan sa lalawigan ng South Cotabato ang mayroon ng koneksiyon sa Internet dala ng patuloy na automation program ng pamahalaang lokal para sa mga public high schools.

Ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes maliban sa tatlo pang paaralan, ang lahat ng mga pampublikong paaralan na nasa sampung bayan at isang lungsod ng lalawigan ay mayroon ng Internet connections sa pamamagitan ng priority investments ng local na pamahalaan at ng mga partner agencies mula sa pamahalaan at pribadong institusyong nauugnay sa Information and Communications Technology (ICT) facilities.

Ito umano, ayon kay Fuentes, ay isang napakalaking accomplishment ng lalawigan dahil naipapakita nito ang pagiging competitive ng mga pampublikong paaralan ng lalawigan lalo na sa larangan ng exposure sa iba't-ibang makabagong teknolohiya.

Ang accomplishment na ito, na itinuturing na pinaka-una sa rehiyon ay naisagawa kasabay ng pagpapatupad ng Internet connectivity project na naunang inilunsad ng local na pamahalaan at iba pang partner na mga institusyon na sumusuporta sa flagship project na Gearing-Up Intenet Literacy Access for Students (GILAS).

Mahigit P2.72 milyon ang nailaan ng pamahalaan ng South Cotabato, ayon kay Fuentes, para sa proyektong ito kasama rin ang mahigit P2.8 milyong kontribusyon mula sa sector ng pamumuhunan at P150,000 mula sa civic groups na sumusuporta sa proyektong GILAS. (aida c agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ComVal conducts free vaccination for dogs
»Comval LGU, private partners tie up for internet literacy in public schools
»Private sector participation crucial in attaining development
»Don't play with ballots, voters asked
»ComVal joins RP, the world on Earth Hour
»Turn out your light, show support
»Region XI registers highest in contraceptive prevalence rate
»WB calls more LGUs to avail of agri program
»Cebuano News: Caraga nakigduyog sa Earth Hour 2010
»Tribal community avails of farm-to-market road from CIDP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines