Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 19 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/25

Tagalog News: Best hotel-resort and restaurant sa Quezon, binigyan ng parangal

by Ruel Orinday

Lucena City (25 March) -- Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Quezon Provincial Tourism Office at sa pakikiisa ng Sangguniang Pangturismo ay nagsagawa ng kauna-unahang pagpili at pagbibigay ng parangal sa mga natatanging tourism related establishment sa lalawigan ng Quezon noong Marso 22, 2010 sa Bulwagang Kalilayan sa lungsod na ito.

Ayon kay Ms. Gladys Mayo, OIC Provincial Tourism Officer ng Quezon, layunin ng nasabing programa na makilala at mabigyan ng parangal ang mga natatanging tourism related establishment sa Quezon kagaya ng mga hotel, resort at restaurant.. Layunin din nito na maitaguyod ang turismo sa lalawigan na sinasabing na malaki rin ang naitutulong sa paglikha ng maraming trabaho at pag-unlad ng Quezon sa kabuuan.

Ang pagpili ng mga natatanging establisimyento ay pinamahalaan ng search committee na binubuo ng chairman at mga miyembro nito mula sa Sangguniang pangturismo ng Quezon Inc., private sector, government sector at iba pang mga sectoral representatives.

Kabilang sa mga naging batayan sa pagpili ay ang mga sumusunod: pagtugon ng isang establisimyento sa mga kinakailangang pasilidad, kalinisan, quality of service at kaligtasan ng mga tao sa pagpasok sa establisimyento.

Ang mga binigyan ng parangal sa nasabing okasyon ay ang mga sumusunod:Best Hotel/ Resort and Restaurant 1st District- Kamayan sa Palaisdaan Hotel and Resort, Tayabas, City; 2nd District- Balai Sadyaya, Sariaya, Quezon ;3rd District - Elyn's Hotel and Restaurant Catanauan, Quezon; 4th District - Rospan Lodge, Lopez, Quezon

Best Restaurant: 2nd District- JIJF Lutong Bahay ni Inay, Candelaria, Quezon; 4th District- Bulwagang Salakot, Gumaca, Quezon

Best Resort: 1st District- Isla Polillo Resort and Hotel, Polillo, Quezon; 3rd District- Javierama, Agdangan, Quezon

Outstanding Hotel, Resort and Restaurant in Quezon- Queen Margarette Hotel, Lucena City

Oustanding Restaurant in Quezon: Palaisdaan Restaurant, Tayabas, Quezon

Oustanding Resort in Quezon: Dalampasigan Baech and Pool Resort, Sariaya, Quezon

Samantala, tumanggap naman ng special awards ang mga sumusunod: Villa Escudero Resort and Plantations, Tiaong, Quezon; Bangkong Kahoy Eco-Tours and Resort, Dolores, Quezon; Buddy's Pizza, Lucena City and Lucban, Quezon; Silangang Nayon Park and Restaurant, Pagbilao, Quezon at Batis Aramin Resort and Hotel, Lucban, Quezon.

Bukod sa plake, ang mga binigyan ng parangal na establisimyento ay tatanggap din ng libreng promosyon sa mga publications, brochures, tourism flyers, leaflets o collateral materials na gagawin o ipagkakaloob ng Quezon Provincial Tourism Office. Maaari o entitled din silang tumanggap ng mga incentive mula sa Department of Tourism. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ComVal conducts free vaccination for dogs
»Comval LGU, private partners tie up for internet literacy in public schools
»Private sector participation crucial in attaining development
»Don't play with ballots, voters asked
»ComVal joins RP, the world on Earth Hour
»Turn out your light, show support
»Region XI registers highest in contraceptive prevalence rate
»WB calls more LGUs to avail of agri program
»Cebuano News: Caraga nakigduyog sa Earth Hour 2010
»Tribal community avails of farm-to-market road from CIDP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines