Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 20 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/25

Tagalog News: Tax motorcade isinagawa ng BIR Sorsogon

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (March 25) -- Isang tax motorcade ang isinagawa ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue Sorsogon District Office na naglalayong pukawin ang kamalayan ng publiko ukol sa tamang pagbabayad ng buwis.

Ang nasabing tax motorcade na may temang "Making the Public Know" ay dinaluhan din ng ibang mga taga-media at iba pang mga suportador ng BIR partikular upang ipanawagan din sa publiko ang deadline ng pagsumite ng income tax sa darating na April 15.

Ayon kay Sorsogon Revenue District Officer Arturo Abenoja, nakatuon ngayon ang BIR sa pagpapalawak ng kanilang tax monitoring campaign at sa pagpapalakas pa tax collection efficiency.

"Pinaghahandaan din ng aming tanggapan ang pagpapaigting ng'Run After Tax Evaders' (RATE) program upang mapababa ang mga tax evasion cases at mapasigla ang revenue collection ng pamahalaan," dagdag pa niya.

Sinabi din niyang nakikipag-ugnayan ang BIR sa iba't-ibang ahensiya at mga pribadong kumpanya upang matulungan silang makakuha ng impormasyon kaugnay ng mga kinita at lifestyles ng mga taxpayers, pati na rin yaong mga negosyong may kaugnayan sa election campaign gaya ng pag-imprinta ng mga fliers, posters at iba pa.

Kasabay din ng mga hakbang na ito ay ang pagpapatupad ng BIR ng kanilang transparency program kung saan tiniyak ni Abenoja sa publiko na bukas ang kanilang tanggapan sa sinumang nagnanais na makita ang mga programa, proyekto at gawain ng BIR upang maiwasan ang anumang mga pagdududa.

Samantala, matatandaang kamakailan ay naging matagumpay din ang isinagawang Tax Wizard Quiz ng BIR Sorsogon kung saan nilahukan ito ng mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong kolehiyo sa lalawigan.

"Balak din naming gawin pa a mga pagkakataon upang sa ganitong hakbang man lang ay mapukaw din ang kamalayan ng mga kabataan ukol sa tamang pagbabayad ng buwis nang sa ganon ay malinang na sa mga ito ang pagiging responsableng tax payers sa hinaharap. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ComVal conducts free vaccination for dogs
»Comval LGU, private partners tie up for internet literacy in public schools
»Private sector participation crucial in attaining development
»Don't play with ballots, voters asked
»ComVal joins RP, the world on Earth Hour
»Turn out your light, show support
»Region XI registers highest in contraceptive prevalence rate
»WB calls more LGUs to avail of agri program
»Cebuano News: Caraga nakigduyog sa Earth Hour 2010
»Tribal community avails of farm-to-market road from CIDP
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines