Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/02

Tagalog News: Jobs fair binuksan sa Labor Day sa Bulacan

Lungsod ng Malolos (2 May) -- Sa halip na rally at protesta, dinagsa ng mga Bulakenyo ang pagdiriwang ng Labor Day sa lalawigan para sa sabayang Jobs Fair na binuksan sa Event Center ng SM Marilao at SM Baliwag kahapon, Mayo 1, 2010.

Ang naturang "jobs fair" na may temang "Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pagbabago" ay nagpamalas sa mahalagang pagganap ng mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa na siyang nagsisilbing daan tungo sa pag-unlad ng bansa.

Kabilang sa mga kumpanyang nakilahok ang Dunkin Donuts, Cyber City, Nissan Baliwag, CJ Philippines, Foster Foods, Crown Asia Corp., Staffmatch, New Northwest Ventures, Human Link, Feed Mix, Everbest, Freyssinet at Q.C. Styro Packaging.

Ang nasabing gawain ay naging posible dahil sa inisyatibo at pagtutulungan ng Provincial Youth, Sports, Employment, Arts and Culture Office, Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office No. III, at Public Employment Service Office sa Bulacan.

Ayon kay Leopoldo B. De Jesus, Assistant Regional Director ng DOLE-Bulacan, nag-imbita sila ng maraming kumpanya na lalahok sa gawain nang sa gayon ay mas malawak at mas maraming mapagpipiliang trabaho ang mga Bulakenyo. (PPAO thru PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»World Asthma Day on May 4 tackles ways to control asthma
»Tagalog News: Jobs fair binuksan sa Labor Day sa Bulacan
»PNP, AFP, MinDA step up contingency plan to ensure power for May 10 polls
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines