Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 14 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: 2,000 job applicants dumagsa sa jobs fair sa Quezon

Tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa 2 samahan

by R. Orinday

Lucena City (5 May) -- Mahigit sa 2,000 jobs applicants mula sa iba't-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon ang dumagsa noong April 30 at Mayo 1, 2010 sa SM Bazaar Area sa lungsod na ito sa pagsasagawa ng Jobs fair o job connect ng City Public Employment Service Office (PESO) sa pakikiisa ng Department of Labor and Employment (DOLE-Quezon/ Region IV-A).

Kabilang sa mga local based company na dumating sa nasabing jobs fair at tumanggap ng mga aplikante para sa iba't-ibang mga bakanteng trabaho ay ang Generic Pharmacy. Calmar land, Imperial Appliances, SM Super Mall at Banco de Oro (BDO). Tumanggap naman ng mga applikante para sa iba't-ibang bakanteng trabaho sa ibang bansa ang ilang mga international company kagaya ng Sunway International manpower Services, Allied International Manpower Services, Bronel Technical Services at Magsaysay Shipping Lines. Bukod sa jobs fair, ginanap din ang migration seminar na pinangunahan ng grupong AMERIKA Atbp.para sa mga Quezonian nagnanais manirahan o magtrabaho sa ibang bansa.

Kasabay ng pagsasagawa ng jobs fair, pormal namang ipinagkaloob ng Department of labor and Employment (DOLE-Region IV-A) sa pamamagitan ni G. Virgilio Magsino, hepe ng DOLE- Quezon ang tulong pangkabuhayan sa dalawang samahan sa Quezon matapos maaprubahan ang isinumiteng project proposal.

Ang mga samahan na tumanggap ng tulong pangkabuhayan ay ang Kaisahan ng mga Manggagawa sa Pagbilao Power Station. May halagang P212,000.00 ang tsekeng tinanggap ng samahang ito para gamitin sa kanilang proyektong mini grocery. Sa pamamagitan ng proyektong mini grocery ang mga kasapi ng samahang ito ay makakabili ng murang grocery.

Tumanggap din ng tulong pangkabuhayan ang Atimonan Samahan ng Maliliit na Mangingisda na nagkakahalaga ng P300,000 bilang paunang tulong na gagamitin sa proyektong paggawa ng masarap na tinapa gamit ang makabagong makinarya o pamamaraaan sa paggawa ng tinapa. Kasunod na ipagkakaloob ng DOLE Region IV-A ang halagang P350,000. at isa pang P350,000. sa pagtatapos ng nasabing proyekto na may kabuoang isang milyong piso. Ang paggawa ng masarap na tinapa ay siya ring magiging OTOP o One Town One Product Philippines ng bayan ng Atimonan.

Samantala, may tatlo namang samahan sa Quezon na nauna nang tumanggap ng tulong pangkabuhayan noong mga nakaraang taon ang tumanggap ng cash award na tig P20,000 bukod pa sa Plaque of Recognition dahilan sa matagumpay at tuloy -tuloy na pagpapatupad ng proyektong pangkabuhayan.

Ang tatlong samahang na kabilang sa regional winners ay ang Passion Fruit and Vegetable Growers Marketing Association of Lucban na nauna nang tumanggap ng halagang P375,000; Pinagdanlayan RIC MPC sa Dolores, Quezon na nauna na ring tumanggap ng P90,000 sa pagpapatupad ng proyektong peanut brittle and salabat production at ang Lapian ng Msang Magsasaka at Mangingisda sa pangkalahatang Reporma ng Rekursos ng Calauag na nauna na ring tumanggap ng tulong pangkabuhayan na P265,750. para sa proyektong alimango production.

Ayon kay Magsino ang mga pondong ipinagkaloob sa mga samahan ay hindi na ibabalik sa DOLE bagkus ay dapat itong paunlarin o pagyamanin upang lahat ng miyembro ay matulungan. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines