Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 20 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: Mga dapat tandaan sa araw ng halalan

San Fernando City, Pampanga (5 May) -- Narito ang mga dapat tandaan sa Araw ng Halalan ngayong Lunes:

1. Magbubukas ang mga presinto ng alas siyete ng umaga at magsasara ng alas sais ng gabi.

2. Ipakita ang Voter's ID sa mga Board of Election Inspectors (BEI) sa clustered precinct kung saan ka nakarehistro.

3. Kung walang Voter's ID, magpakita ng kahit anong government issued-ID gaya ng Driver's license, TIN at Passport.

4. Pwedeng samahan sa pagboto ang mga taong hindi makabasa't makasulat o may kapansanan basta nakasaad sa Election Day Computerized Voter's List na ang taong sasamahan ay illiterate o disabled. Ang taong tutulong ay dapat nasa voting age (18 taong gulang pataas) at hanggang sa tatlong beses lamang siya maaring umalalay.

5. Bago bumoto, tiyakin na ang balotang ibinigay ng BEI ay nasa mabuting kondisyon at walang kahit anong marka.

6. I-shade ang oval na nasa tabi ng pangalan ng kandidatong iyong iboboto, hindi babasahin ng PCOS machine ang check at x marks.

7. Tanging ang marking pen na ibinigay ng BEI ang maaring gamitin sa pagshade ng balota.

8. Isa lamang ang iboboto sa mga posisyong ito: President, Vice President, Party List representative, District representative (Congressman), Governor, Vice Governor, Mayor at Vice Mayor.

9. Hindi dapat lalampas sa 12 ang bilang ng senador na iboboto.

10. Tignan nang maigi kung ilan dapat ang ibobotong Board member at Councilor. Iba-iba kasi ang bilang ng mga i-lu-luklok sa mga posisyong ito kada lokal na pamahalaan.

11. Bawat botante ay may hanggang labing limang minuto para bumoto.

12. Tandaan: Hindi maaring magkamali sa pagshade pagkat isang balota lamang ang nakalaan kada botante.

13. Matapos bumoto ay personal na ipasok ang balota sa PCOS machine at antayin ang confirmation message na nagsasabing tinanggap ng makina ang iyong balota.

14. Kapag matagumpay mo nang naipasok ang iyong balota sa makina ay magpalagay ng indelible ink sa BEI sa index finger ng iyong kanang kamay.

Upang hindi mahirapan, gumawa ng listahan ng mga iboboto o di kay ay i-download ang sample official ballot sa www.comelec.gov.ph. Sa nasabing website din makikita ang presinto kung saan ka nakarehistro. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines