Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 21 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: Oriental Mindoro may bagong district hospital sa Roxas district

Calapan City (5 May) -- Magsisilbi bilang provincial hospital ang malapit nang matapos na bagong Roxas District Hospital na ipinatayo kasabay ng pagpapatayo ng administrasyong Panaligan ng bagong Oriental Mindoro Medical Center sa lungsod ng Calapan at Pinamalayan Community Hospital.

Ito ang tiniyak ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa kanyang pinakahuling pag-i-inspeksyon ng pampublikong ospital sa bayan ng Roxas na sa kasalukuyan ay halos tapos na at tinatayang magbubukas na sa mga susunod na buwan.

"Inaayos natin ang Roxas District Hospital at ginawa natin itong 50-bed capacity. Ito ay magiging secondary hospital at maaaring magsilbi bilang provincial hospital dito sa segunda distrito," ayon sa Gobernador.

Ang nasabing ospital ay may pondong mahigit sa P17 at tiniyak ring magkakaroon ng mga bago at modernong hospital equipment.

"Kasama talaga sa plano ang paglalagay ng mga bago at modernong medical equipment," pagdidiin ng Gobernador.

Tinitiyak rin ng administrasyon ni Gobernador Arnan na daragdagan ang bilang ng hospital personnel kasabay ang pagbibigay ng mga akmang pagsasanay at kaalaman sa mga kasalukuyang naglilingkod sa ospital na magsisilbi sa mga bayan sa ikalawang distrito.

Sa sabay-sabay na pagpapatayo ng administrasyong Panaligan ng mga bago at modernong ospital, hindi maiiwasang mag-isip ang ilan nating mga kababayan na baka wala silang kakayanang makakuha ng mga serbisyo nito at hindi nila kayanin ang bayad sa mga ospital na nabanggit.

Dahilan sa magkakaugnay ang mga programang pangkalusugan ni Gobernador Arnan, tinitiyak nitong ang mga bagong ospital ay para sa lahat sa patuloy niyang pagbibigay ng health insurance sa mga mahihirap na pamilya sa ilalim ng Philhealth Para sa Masa.

Pangunahin sa mga programang pangkaunlaran ng administrasyong Panaligan ang kalusugan sapagkat naniniwala ito na ang maayos na programang pangkalusugan ay isang mabisang programang kontra-kahirapan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines