Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/05

Tagalog News: Specialty medical mission, tuluy-tuloy na isinasagawa sa Oriental Mindoro

Calapan City (5 May) -- Kasabay ng pagpapatayo ng mga pasilidad pangkalusugan sa iba?t ibang bayan sa lalawigan, ibinababa rin ng administrasyong Panaligan ang libreng serbisyong-medikal para sa mga nangangailangang mamamayan.

Ang mga taga-barangay Cantil at karatig na barangay nito sa bayan ng Roxas at ang mga taga-barangay Leido sa bayan ng Victoria ay magkasunod na naging benepisyaryo ng libreng check-up, bunot ng ngipin, tuli at libreng gamot mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

"Samantalahin ninyo ang programang ipinagkakaloob sa inyo ng inyong Pamahalaang Panlalawigan. Sadyang laan ang libreng serbisyong medikal sa mga kababayan natin partikular sa mga liblib na lugar," ayon sa Gobernador.

Ayon naman Calapan City Vice-Mayor Rafael Infantado, bagamat responsibilidad ng pamahalaan na tulungan ang mga nasasakupan nito ay nararapat pa ring magpasalamat sapagkat sinserong ipinagkakakaloob ni Gobernador Arnan ang mga suportang kailangan ng mamamayan.

Matapos ito, nagkaloob rin si Gobernador Arnan ng health insurance para naman sa mga taga-barangay San Isidro sa bayan pa rin ng Victoria. Noong nakalipas na taon ay nakapagpagawa rin ang administrasyong Panaligan ng classroom at stage sa San Isidro Elementary School.

Ang mga programang pangkaunlaran ng Pamahalaang Panlalawigan ay sinusuportahan rin nina Bokal Abraham Abas, Bokal Robert Concepcion, Naujan Municipal Councilor Ryan Arago, at Victoria Municipal Councilor Mike Malaluan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Mindanaoan IT engineer develops Google's precinct finder
»More paved roads for Mindanao eyed before Arroyo ends term
»AFP, PNP, Church, children pay tribute to workers in Davao
»Soldiers spearhead 3rd peace rally for HOPE in ComVal
»17th NPA bomb recovered in Davao Region, and counting
»Davao writers workshop held May 3-7
»NEDA discusses investment prospects with Chinese officials
»Land Registration Authority distributes free land titles in ComVal
»Miners, gold ore mineral processors gather in ComVal
»Comval holds small-scale mining summit on World Earth Day
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines